Step Fifteen. - KRAY "Bakit kamot ka ng kamot diyan?" Tanong ko kay Harold. Kanina pa kasi siya kamot ng kamot. Napapansin ko lang. "Hindi ko alam eh, wala namang lamok." Sabi n'ya tsaka nagkamot naman sa binti n'ya. "Oh, ito pa ulit ang tagay mo." Inabot ni lolo kay Harold ang shot glass. Agad naman iyong ininom ni Harold. Kung hindi ako nagkakamali, pang anim na shot glass na ng lambanog ang nainom n'ya. "s**t," mura ni Harold kaya napalingon na ako sa kanya. Nakatingin sya sa braso n'yang puno ng pula pulang pantal. "Hala! Ano 'yan?" Agad kong kinuha ang braso n'ya at tiningnan iyon. Ang dami n'yang pantal! "Allergy yata 'to." Sabi n'ya. "Hay nako! Anong allergy? Baka kagat lang ng surot 'yan." Nilingon ko si lolo na nagsasalin ng lambanog sa shot glass. "Surot? Ano 'yon