Chapter 29 "Paulo!!" Nasa gate palang sumisigaw na si Chacha. "Paulo! Lumabas ka diyan!" "Oh anak anong nangyare?" Lumabas agad ang mommy niya nang marinig nito ang sigaw niya "Palabasin niyo si paulo dito sa bahay natin!" "Anak huminahon ka.." Natataranta ang mommy niya dahil sa nakikita nitong galit sa kanyang mukha. Ngayon lang kasi siya nagalit ng ganito Lumabas din ng kwarto si Hazel karga karga nito si Baby uno. "Anong nang yare bessy?" "Nasaan si Paulo?" "Bakit?" Napatingin agad si Chacha kay paulo galing ito sa second floor "Bakit mo nagawa sakin to paulo?!" Sinugod niya si Paulo at pinagpapalo ito. Inawat naman agad siya ng kanyang Mommy. Nag simula na din umiyak si baby uno "Ang sama mo Paulo! Sa lahat ng tao ikaw pa talaga?! Ikaw pa ang nagsira ng relasyon namin?

