Kung alam lang ni Chacha na kanina pa nasa loob ng bahay nila si Kevin baka inagahan niya ang kanyang uwi. Nag sisisi tuloy siya kung bakit nagpagabi pa siya sa Campus. Kakatapos lang mag shower ni Chacha. Nagpalit siya ng pambahay na damit. Bagong short ang suot niya, Sabi kasi ni hazel palitan na niya ang kanyang mga lumang shorts dahil pang bata lang daw yun Simpleng pink Blouse nalang ang isinuot niya upang bumagay sa white shorts niya. Napangiti siya sa salamin. Mukha nakong dalaga ngayon hihi Pagbaba ni Chacha sa first floor ng kanilang bahay, Nakasalubong niya si Kevin sa hagdanan. Mukhang nagulat din ito ng makasalubong siya. Napatingin agad ito sa suot niyang damit. Hindi nakaligtas ang pag galaw ng adams apple nito sa paningin ni Chacha Napangiti agad siya dahil ang cute

