NABIGLA si Ricky nang may nagpunas ng kanyang pawis mula sa kanyang likuran. Hinampas pa siya nito sa ulo nang bahagya at dito na siya napalingon para malaman kung sino iyon. Sa pagtatagpo ng mata niya at ng taong iyon ay nabigla kaagad siya. Unti-unti siyang napangiti at hindi na niya iyon napigilan. “A-ano’ng ginagawa mo rito A-andrea?” bulalas ni Ricky at ang mga kasamahan niya ay napalayo mula sa binata. “Ibang babae na naman... Ngayon ko lang naisip na maraming chix ang lokong ito,” wika ni Martin sa kanyang sarili habang nakatingin sa kakampi niyang si Mendez. “Ricky boy? Sino ba talaga?” natatawang tanong naman ni Manong Eddie at nagtawanan sila nang sandaling iyon. Natatawa na parang hindi ang naging reaksyon ni Ricky at napatingin muli kay Andrea. Nginitian niya it