AGAD nang makabawi si Valerie sa pagkabigla sa nabasang text mula sa ginang. Inakala yata nito na talagang sinadya niyang ma-stranded sila sa lugar na pinanggalingan nila. "May nangyari ba sa pamilya o something?" nag-aalalang tanong ni Frank sa kanya. Napabaling siya rito at nakitang tuon pa rin naman ang tingin nito sa daan ngunit nang mapansin nito ang kanyang paglingon ay agad rin nitong ibinaling ang tingin sa kanya saka ngumiti. Lalo yata siyang nahulog ang puso rito mula nang ibigay ang sarili, sa isang ngiti lang nito ay nawala ang mga alalahanin tungkol sa bagay na pinapagawa ng mama. Hindi man niya nagawang suklian ang ngiting iyon ni Frank sa kanya dahil mas minabuting ikontrol na muna ang pusong nagwawala. Habang tumatagal ay mas lalong gumugwapo ang lalaki sa kanyang paning