Hapong-hapo si Valerie nang makababa sa taxi sa tapat ng apartment ng kaibigang si Eloisa. Mag-aalas kuwatro na iyon ng umaga at batid niyang pagising na ang kaibigan . Akmang ipapasok pa lamang niya ang susi ng pinto nang kusa iyong bumukas at doon ay nakita ang kaibigang tila zoombie. Gulong-gulo ang buhok at nangangalumata ang mga matabna tanda na hindi ito nakatulog ng maayos. "Saan ka galing?" anito na bakas sa hitsura na hindi ito nakatulog gawa ng paghihintay sa kanya. "Ah, eh, g-galing sa kakilala ko," alanganing sagot niya rito. "Dapat ay hindi mo na ako hinintay," aniya rito na nahihiya dahil sa kanya ay puyat ito ngayon. Kahit inaantok ang hitsura ng kaibigan ay tumiim ang titig nito. "Sa tingin mo, maniniwala ako diyan? Saan ka galing?" giit pa rin nito. Bahagyang natahim