Mabilis na sinagot ni Catherine ang tawag ni Fritz. Lalo pa at kailangan na nitong makalabas bago pa makita ng dalawa ito, baka hindi lang mapurnada ang plano nila, baka hindi pa nila naisasakatuparan ay sa kulungan na ang kanilang bagsak. "Hello! What took you so look to pick-up my call?" may inis na turan ng lalaki sa kabilang linya. "What is happening?" dagdag pa nito. "Find your way out! May dumating na asungot!" banas ding sagot dito. "What?! Naghirap akong makapasok sa lintik na bahay na ito tapos—" putol nang barahin ito ni Catherine. "Sa tingin mo kaya mo sila, dalawa sila at baka hindi pa natin naisasakatuparan ang plano natin ay nasa kulungan ka na, gusto mo ba iyon?!" bulalas na bara niya sa lalaki. "Lumabas ka na diyan, papasok na sila bago ka nila makita," dagdag pang utos