Sa kabila nang lahat ng lungkot at pag-aalinlangan ni Valerie sa pagdalaw sa pamilya at pagdalo sa pagtatapos ng kapatid ay matagumpay namang nairaos ang lahat. Tuwang-tuwa ang mga magulang dahil hindi lamang magtapos ang kapatid kundi inuwi pa nito ang pinakamataas na pagkilala at parangal mula sa kanilang eskuwelahan. Sa kanyang tabi ay hindi mapigilang lingunin si Ramil na noon ay tila hangang-hanga sa kapatid, bakas kasi sa mga mata nito na halos hindi maalis sa kapatid na nasa itaas ng entablado kasama ang kanyang ina. Agad niya itong tinapik sa balikat na kinagulat nito. "Bakit?" maang na tanong nito. "Hmmm! Kita ko kung paano mo titigan ang kapatid ko, off-limit na muna siya," diga niya rito at kitang agad na napangiti si Ramil sa kanyang pagkakahuli at nagkamot ng batok. "Huwa