CHAPTER 13 Wakas

1213 Words
Rechel POV Ilang buwan na matapos akong malabas ng ospital pero heto ako gumagana nga ang isip ko pero parang ayaw makisama ang katawan ko. Hindi ko alam kung ano ang mali sa akin dahil malinaw at naiintindihan ko naman ang lahat ng maririnig ko kaya lang hindi ako makapag-response. Sinusubukan ko na ibuka ang bibig ko pero walang boses na lumalabas. Siguro nga tama ang findings ng doktor na nagkaroon ako ng physiological shocked. Walang araw na hindi ko nakita kung paano ako alagaan no Daniel. Kinuha nito ang mga kapatid ko at kasama ko ngayon dito sa isla na alam ko na pag-aari n'ya. Nagkaroon ako ng ibang damdamin para kay Daniel sa panahong kasama ko ito. Hindi ko maipaliwanag kung ano ba ang dahilan ng biglang pagbilis ng t***k ng puso ko sa bawat oras na lumalapit ito sa akin at kasama ko. Maraming katanungan ang noon ay laman ng isip ko na unti-unting nagkaroon ng kasagutan. Mali si Laura, hindi n'ya anak si Daniel dahil magkaiba sila. Malinis ang puso ni Daniel na handang isugal ang buhay para lamang sa kaligtasan ko, kumpara sa tulad ni Laura na handang pumatay para maangkin lamang ang yaman na nasa pangalan ko. Tulad ng dati ay dinala ako ni Daniel dito sa tabing dagat para manood ng papalubog na haring araw. Tulad din ng dati ginagap nito ang palad ko at hinalikan. Isa siyang mabuting tao, malayong-malayo sa kung ano ang pagkatao ni Laura. Maaaring iisa ang dugo na nananalaytay sa kanila pero lumaking mabuti at may paninindigan si Daniel. Gustuhin ko man lumingon dito ay hindi ko ginawa kaya tulad ng dati ay nakatingin lamang ako sa dagat at pinapanood ang paghampas ng mga alon sa baybayin. Hindi ko kasi kayang salubungin ang mga tingin nito lalo pa at hanggang ngayon ay nagi-guilty ako. Matapos kasi nitong gawin ang lahat para sa kaligtasan ko ay pinagbintangan ko pa ito at hindi inalam ang totoo na naging dahilan ng pagtakas ko hanggang sa nakuha ako ni Laura at napahamak kami pareho. Siguro nga duwag ako. Naduwag ako na harapin ito dahil puno ng pagsisisi ang puso at isip ko. Maraming tao ang nasawi ng araw na 'yon. Oo nga tuluyan nawala sina Laura pero marami rin ang nadamay dulot ng pagsabog at lahat ng 'yun ay nakita ng mga mata ko. Naramdaman ko ang marahang paghaplos ni Daniel sa pisngi ko at hindi ko inaasahan ang susunod na sasabihin nito. Laging nasa tabi ko si Daniel sa lahat ng oras kaya naman hindi ko inaasahan na sasabihin nito na lalayo Ito sa akin para sa ikabubuti ko. Halos manikip ang dibdib ko sa narinig na sinabi nito. Kasabay ng malungkot na tinig nito at ilang magkasunod na patak ng luha nito sa kamay ko na hawak nito na ikinagulat ko. Should I let him go? Hahayaan ko ba s'ya ngayong tila sumusuko na s'ya at nawalan na pag-asa sa akin? Siguro nga napagod na s'ya kaya nag-desisyon na iwan ako at tuluyang lumayo. "No Rechel, 'wag mong sayangin ang isang tulad ni Daniel. Tanga ka kapag ginawa mo 'yan at pagsisisihan mo 'yan oras na pinakawalan mo s'ya," sagot ng kabilang bahagi ng isipan ko. Dahil sa napagtanto ay napalingon ako dito dahilan ng pagtama ng aming mga mata. Ilang kurap ang ginawa ko dahil nagtatalo ang kalooban at isipan ko. "Rechel, ayos ka lang ba?" tanong nito na hindi maikaila ang pag-aalala sa mga mata at mukha nito. Tumango ako bilang sagot. Pilit na sinubukan ko na makapag palabas ng salita dahil natatakot akong baka ito na ang huling beses na makakasama ko si Daniel. Tama ang isip ko, mabuti siyang tao at hindi ko dapat sayangin ang pagkakataon na minahal ako nito ng totoo. "Oh God, it's a miracle," bulalas nito na nasa mukha ang saya. "Sandali, tatawagan ko ng doctor mo," sabi nito na akmang kukunin ang cellphone sa bulsa ng pantalon na suot ng higpitan ko ang hawak sa kamay naming magkasalikop. "A-ayos l-lang a-ako," nauutal na sabi ko ng sa wakas lumabas ang salitang gusto kong sabihin. Kita ko ang pag-aliwas ng mukha nito saka mabilis akong niyakap. "P-please, w-wag mo a-akong i-iwan," kahit hirap nagawa kong sabihin dito habang yakap ako nito ng mahigpit. "Kung 'yan ang gusto mo, hindi ako aalis. Hindi kita iiwan pangako," bulong nito habang marahang hinahaplos ang nakalugay na buhok ko. Napahikbi ako. Sa kabila ng lahat heto s'ya at nangangako na hindi ako iiwan. Napakaswerte ko kay Daniel na dumating s'ya sa buhay ko at minahal ako. "I-i l-love y-you," pilit na sabi ko habang malakas na kumakabog ang dibdib ko. Kailangan ko itong sabihin kay Daniel alam ko na hindi ito ang tamang pagkakataon pero it's now or never. He might leave me without knowing my real feelings for him at yan ang hindi ko gugustuhin na mangyari. "Rechel…" ang tanging nasambit nito bago natigil ang paghaplos sa ulo at buhok ko. Saglit na bumitaw Ito sa akin at naghiwalay kami sa tumitig sa mga mata ko na tila inaarok kung tama nga ang sinabi ko o narinig nito. "Tell me, yeah, sabihin mo ulit. Please gusto kong marinig 'yung huling sinabi mo," hindi magkamayaw na sabi nito. Marahan na tumango ako saka sinubukan na magsalita ulit. "Sabi ko mahal din kita," derecho na sabi ko. Hindi ko alam kung paano ko nagawa 'yon pero sapat na motivation sa akin para magawa ko na muling makapagsalita ang ginawang pag-paalam ni Daniel. "Oh great God, tama ba ang lahat ng narinig ko?" hindi makapaniwala na tanong nito sa sarili. Muli akong tumango na naging dahilan para mabilis na tinawid nito ang distansya namin saka ako siniil ng isang maalab na halik. Halik na sa una ay marahan hanggang sa tuluyang lumalim kaya napahawak ako sa mga braso nito para kumuha ng lakas. "Masaya ako, masayang-masaya na ayos ka na at nakakapagsalita ka na ulit," bulong nito ng matapos ang halik na natanggap ko. "I'm sorry, so sorry Daniel dahil hindi ako nag-tiwala sa'yo kaya napahamak tayo pareho," naluluha na sabi ko. Muli kasing bumalik sa alaala ko ang insidente na pinagdaan namin. "Shhh, it's okay. Nakalipas na 'yun at hindi makabubuti na balikan pa natin. Magsimula ulit tayo at pinapangako ko na gagawin ko ang lahat para maging mabuting asawa mo," mahinahon na sabi nito ng itapat sa labi ko ang hintuturo nito para mapigilan akong magsalita. Kusang gumalaw ang mga braso ko para yumakap dito. Puno kasi ng samu't saring emosyon ang puso ko at alam ko na si Daniel ang dahilan nito. Masaya ako na sa wakas nagawa ko itong kausapin sa kabila ng guilt na nararamdaman ko. Nasabi ko dito na natutunan ko itong mahalin sa maikling panahon na kasama ko ito at masaya na nagkaayos na kami. Masaya ako na at sigurado na ako na hindi ito aalis sa tabi ko at iiwan ako. Maraming kasinungalingan sa likod ng pagkatao ko pero merong nag-iisang Daniel na nagpakita sa akin ng katotohanan. Katotohanan na nagpalaya sa akin at katotohanan na naging dahilan para muli akong bumangon. Nasaktan man ako pero sa huli heto ako masaya katabi ni Daniel at alam ko na s'yang tanging naging totoo sa lahat ng kasinungalingan na nakatago sa likod pagkatao ko. ……….Wakas…….
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD