__18__ “Pie? Ming-ming, ming…” Zed scratched his nape when he didn’t find the cat on the sofa. Gulat siya at napatigil pa sa paghakbang nang makita na bakante na ang pwesto ng kulay puti niyang upuan kung saan naghihilamos ang napakatabang pusa kanina. “Pie, come on kitty cat.” Tawag pa niya sa pesteng pusa na hindi niya malaman kung saan napasuot. “Ming…ming…Pie, Pie, bulshit!” Tumuwad siya sa ilalim ng center table pero wala roon ang alaga ni Nissy kaya nailapag niya ang mga papeles sa kung saan na lang. “Pie! Jesus f*****g Christ!” mura niya at napakamot na naman sa ulo saka siya lumapit sa mesa niya sa loob ng opisina. Nagmamadali siyang sumilip sa ilalim pero wala roon ang pusa, maging sa swivel chair kaya nagmamadaling pinindot ni Zed ang intercom. “Sir—” ani Adelaida sa