__13__ Si Donatella ang patakbong sumalubong kay Nissy nang makauwi sila galing sa isla. Tuwang-tuwa ang babae na may manika na naman na aalagaan pero kabaliktaran ang nararamdaman niya. Hindi na sila matutulog ng asawa niya sa iisang kwarto dahil maghihiwalay na ulit sila hangga’t hindi pa alam ng ama niya na sa kanya nakasal Nissy at hindi sa kakambal niya. “Ang alaga ko, nakabalik na.” tuwang-tuwa ang matanda na hinaplos kaagad si Nissy at sinuri ang hitsura. Nakamasid lang naman si Zed at kinuha naman ni Froilan ang mga gamit sa sasakyan. Iilang bag lang naman iyon dahil wala naman nga halos matinong damit si Nissy doon. “P-Parang pumayat ka.” Puna kaagad ng babae sa asawa niya kaya halos mapailing siya lalo na nang timingin iyon sa kanya na para bang siya ang salarin sa pag