CAMILLE POV "Nay.." tawag ko kay nanay. Napatingin ako sa lalaking kausap ni Nanay. Natigilan silang dalawa. Pumasok na ako sa loob ng bahay. "Sino siya nay?" Takang tanong ko. Tumikhim ang lalaki at niyakap ako. "Kamukhang-kamukha mo si Ate." Aniya. Tumingin ako kay nanay. "anak, siya ang tito timothy mo." Pagpapakilala ni nanay sa lalaki. Napangiti ako. "Nice to meet you po Tito." "Mabuti po at nabisita niyo si Mama." Actually ngayun ko lang nalaman na may kapatid pala si Mama. Hanggang ngayun kasi ay walang nababanggit sa amin si nanay tungkol sa pamilya niya. Kung anong klaseng buhay ang meron siya. "Matagal ko na pinapahanap ang mama mo. Now I found her. It's time to go home." Tumingin ako kay Nanay. Nagbaba ito ng tingin. "Pakisabi kay papa na hindi muna ako babalik sa ba