CAMILLE POV Maaga palang ay sinundo na ako ni John. Agad ko siyang pinapasok sa bahay namin para ipakilala kay Nanay. Nagmano si John kay Nanay bilang respeto. Pinakilala ni John ang Sarili. Si nanay naman ay seryoso ang mukha at pinasadahan ng tingin si John. Pinaupo ko muna si John sa Kawayan naming upuan. Habang kami ni Kate ay tahimik lang at pinapakiramdaman ang paligid. "Mabuti naman at bumisita ka rito John." Ngumiti si John at sinagot si Nanay. "Pasensya na po at ngayun lang ako nagpakilala sa inyo. Gusto ko po na malaman niyo bilang Ina ni Camille. Seryoso po ako sa anak niyo. Sana hindi po kayo maging tutol sa Relasyon namin ni Camille." Seryosong pahayag ni John. Bumuntong hininga si Nanay. "Alam mo Iho. Wala akong problema sa'yo. Tingin ko naman ay galing ka sa dis