CAMILLE POV Nagmulat ako ng mata ng may marahang tapik akong naramdaman. Nakangiting mukha ng kapatid ko ang una kong nasilayan. Bumangon ako. "Ate ready na ang breakfast. Kami ni Tatay ang nagluto." Masaya nyang saad. Tumango ako at tumayo na mula sa kama. "Ano pa ang ginagawa mo dito?" Sita ko sa kanya. Para naman syang nasaktan dahil sa sinabi ko. "Ate galit ka pa rin ba sa akin?" "Ano sa tingin mo kate?" Hindi siya sumagot. Naluluha niya akong tinitigan. "Mauna ka na. Susunod ako." Tumango si Kate at lumabas na. I let out a deep Sigh. Hindi ako sanay na hindi kinakausap ang kapatid ko pero gusto kong malaman niya na hindi ako natuwa sa ginawa niya. Pinaramdam niya sa akin na wala kaming halaga para sa kanya. Hanggang ngayun ay nalulungkot pa rin ako dahil hindi na namin