bc

My Stepbrother Enzo

book_age18+
69.8K
FOLLOW
593.5K
READ
billionaire
possessive
escape while being pregnant
CEO
student
stepbrother
sweet
small town
passionate
like
intro-logo
Blurb

18 years old. Orphaned. Drowning in debt.

Her only way out? Marry her stepbrother, Enzo De Silva.

He’s cold. Ruthless. The guy who never looked at her twice.

But he signed the papers to save her house.

Now she’s living under his roof as his wife.

And somewhere between the hate and the heat… she falls for him.

Big mistake.

Because Enzo never wanted a wife.

He wanted payback.

Every peso he spent? He’s collecting it… with her body.

The more he destroys her…

the more she wants him.

Would you stay with the man who bought you?

chap-preview
Free preview
Chapter-1
Kanina pa siya nakatitig sa puntod ng kanyang ama at madrasta. Hindi pa rin siya makapaniwala na sa isang iglap lang ay mawawala ang mga mahal niya sa buhay. Parang hindi pa rin niya lubos na nauunawaan ang nangyayari. Wala na ang Daddy niya at si Tita Imelda. Wala na ang mga magulang niya. Humugot siya ng malalim na hininga. Tatlong araw na siyang hindi natutulog. Kumakalam ang sikmura, pero kahit tubig ay hindi niya malunok. Nanginginig ang mga daliri habang nakahawak siya sa gilid ng lapida. Pakiramdam niya ay babagsak na ang katawan niya. "Dad, Tita," umiiyak niyang tawag sa mga magulang. Walang hinto ang pagpatak ng mga luha sa harapan ng puntod ng mga ito. Bigla siyang nahilo. Naramdaman niyang babagsak siya sa lupa. Isang malaking kamay ang humawak sa magkabilang braso niya. Napasandal siya sa matigas na dibdib ng taong nasa likuran niya, sa takot na baka tuluyan siyang bumagsak. "Bella, umuwi na muna tayo para makapagpahinga ka," bulong ng lalaking kinasasandalan niya. "Hindi," nanghihina niyang sagot. Iniling niya ang ulo at nagpumilit na tumayo mag-isa. Inalis niya ang kamay ng lalaking umaalalay sa kanya. "Kaya ko!" matigas niyang sabi. Sinubukan pa niyang itulak ito palayo, na muntik na siyang ikabagsak sa lupa. Kung hindi mabilis ang kilos ng lalaki at agad siyang nahawakan sa braso, baka tuluyan na siyang bumagsak. "Bella, hija. Hindi mo na kaya. Tayo na at umuwi muna para makapagpahinga ka," sabi ni Yaya Lucing. "Kaya ko pa po," nanghihinang sagot niya. Sinubukan niyang muling tumayo nang tuwid. Umiikot ang buong paligid. Dumilim ang paningin niya at naramdaman na lang niya ang pagbagsak niya sa mga bisig ng lalaking nanatili sa likuran niya, bago pa man siya tuluyang mawalan ng malay. Nang magmulat siya ng mga mata, nasa sariling silid na siya. Dahan-dahan siyang bumangon at iginala ang paningin sa buong silid. Nakita niya ang lalaking kampanteng nakaupo sa malaking single sofa. Nakaharap ito sa kama niya. Kumunot ang noo niya. "Enzo," sambit niya sa pangalan ng lalaking nakaupo. "Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong nito nang mag-angat ng ulo at sulyapan siya. Nanatili lang itong nakaupo at nakatingin sa kanya. Marahil si Enzo ang nag-uwi sa kanya kanina mula sa sementeryo kung saan siya nawalan ng malay. Sa kanya siya bumagsak kanina. Nawalan siya ng malay dahil sa sobrang pagod, stress, at lungkot sa biglaang pagkawala ng Daddy niya at ni Tita Imelda. "Okay lang," tipid niyang sagot. Sumandal siya sa headboard ng kama. Muli niya itong sinulyapan. Blanko ang mukha nito. Wala siyang mabasang anumang ekspresyon sa gwapong mukha nito. Pero alam niyang katulad din niya itong nagluluksa. Baka tinatago lang nito ang sakit at ayaw magpakita ng kahinaan sa kanya. Hindi naman pwedeng pareho silang mahina ngayon. Si Enzo ang stepbrother niya. Anak ito ni Tita Imelda sa una nitong asawa. Mas matanda sa kanya si Enzo. Binata na ito nang ipakilala ng Tita Imelda sa kanila. Nasa elementarya pa lang siya noon. Dalawang beses lang nagpunta si Enzo sa bahay nila nang nabubuhay pa ang Mama nito. Sa ibang bansa kasi ito nag-aaral dahil naroon ang ama nito. Ang huling uwi nito para dalawin ang ina ay nang makatapos ito ng kolehiyo. Iyon na rin ang pangalawa at huling beses na nagpunta si Enzo sa bahay nila. Sa pagkakaalam niya, ayaw sa kanya ni Enzo. Simula pa noong una silang magkita, nagparamdam na ito ng pagkadismaya. Naaartehan daw ito sa kanya at nakakairita ang ugali niya. Kaya hindi sila naging malapit noong mga panahong pumapasyal ito sa bahay nila. Nandito ngayon si Enzo dahil sa pagkawala rin ng Mama nito. Isang aksidente ang kumitil sa buhay ng mga magulang nila. Nagtungo ang Daddy niya at si Tita Imelda sa karatig bayan para dumalo sa party ng kaibigan ng mga ito. At isang malagim na aksidente ang nangyari na kumitil sa buhay ng mag-asawa. "Magpahinga ka na muna. Ako na ang bahala sa mga nakikiramay," saad nito. Tumayo ito mula sa kinauupuan at lumapit sa paanan ng kama na kinahihigaan niya. Gwapo si Enzo. Kahit noong kabataan pa nito ay may angking kagwapuhan na ito. Sadyang mukha lang itong masungit. Masyadong seryoso at suplado. Well, ganoon naman yata talaga ang ugali nito. "Maya-maya lang, okay na ako," sagot niya. Katatapos lang ng libing ng mga magulang nila. Marami pa rin ang dumadating sa bahay nila para makiramay. Kaya kailangan niyang magpakatatag para harapin ang mga kamag-anak at malalapit na kaibigan. "Magpalakas ka muna. Marami tayong dapat pag-usapan at ayusin," sabi nito nang huminto sa paanan ng kama. "Ano iyon?" kunot-noo niyang tanong. Sa pagkakaalam niya, wala namang dapat pang ayusin o pag-usapan tungkol sa mga magulang nila. "Magpahinga ka na muna, Bella," tugon lang nito na halatang nag-aalala sa kalagayan niya. Tatlong araw na mula nang dumating ito sa bayan ng San Miguel galing sa siyudad. Ito ang nag-aasikaso sa mga negosyo ng ama nito. Dumating ito para tumulong sa mga kailangan sa pagburol at paglibing sa mga magulang nila, pero hindi ito namamalagi sa bahay nila. Sa VincElla Hotel ito nanunuluyan nitong mga nakaraang araw. Ang VincElla Hotel ang kilalang luxury hotel sa bayan ng San Miguel. "Ipagpapaakyat ko na lang ang pagkain mo," dagdag pa nito. Bago pa siya makasagot para tumanggi, tumalikod na ito at lumabas ng silid. Hindi kasi siya nagugutom. Wala siyang gana kumain ngayon. Bumuntong-hininga siya nang maiwan siyang mag-isa sa loob ng silid. Hindi na naman niya napigilan ang pag-iyak. Paano na siya ngayong wala na ang Daddy niya? Sino ang pipirma sa enrollment form niya next sem? Eighteen years old pa lang siya at kasalukuyang nag-aaral. Nasanay siyang nandiyan lagi ang ama para gabayan siya. Hindi niya kayang mabuhay nang wala ang ama. "Daddy," umiiyak niyang sambit, kasabay ng paghagulgol niya. Mag-isa na lang talaga siya ngayon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.8K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
33.6K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.6K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook