Blurb

343 Words
Si Sarah Hussien ay nabuo sa bawal na pag-iibigan. Isang Overseas Filipino Worker ang kanyang Ina na nagmahal ng Amo nitong may asawa na. Patago man ang pagmamahalan ng kanyang mga magulang ay naging masaya pa rin ang kanilang relasyon. Ngunit hindi sa lahat ng araw ay masaya dahil may hangganan ang lahat. Dahil sa karanasan ng sariling Ina ay nagkaroon ng takot si Sarah upang umibig. Ngunit ang lahat ng kanyang pangamba ay nagbago nang makilala niya ang lalaking magpapatibok ng kanyang puso. Si Jonas Alcantara ay isa sa tagapagmana ng Alcantara's Empire. Ang pamilya ng pinakamayaman sa buong Asia. Si Jonas ang magpapatunay na hindi lahat ng lalaki ay pare-pareho. Ngunit sa bandang huli ay si Jonas rin ang magiging dahilan upang maranasan ni Sarah ang napagdaan ng kanyang Ina at ang malala pa ay higit pa sa kanyang inaasahan. Ang lalaki ang higit na magpapatunay na hindi lahat ng taong nakakasama mo ay mananatili sa iyong tabi hanggang sa huli. Ang lalaki ang magpapatunay na ang lahat ay pweding magbago sa isang iglap lang. Ang lalaki ang lubos na magpapatunay na kahit gaano man katagal ang inyong pinagsamahan ay magkakaroon ito ng tuldok balang araw at magwawakas sa dahilan na kailanman ay hindi mo inaasahan. Ang lalaki ang magpapatunay na ang lahat ng bagay sa mundong ito ay pawang hiram lamang. Kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao, kahit ginawa at ibinigay mo na ang lahat sa kanya kung sadyang hindi siya nakalaan para sa'yo ay darating at darating din ang araw na kakailanganin mo na siyang palayain. Masakit pero minsan ay kailangan mong magparaya kung alam mong wala nang magandang patutungunan pa ang inyong pagsasama. Darating ka sa puntong iisipin mong may kulang sa'yo kaya ka niya nagawang lukuhin at ipagpalit.Ang masakit sa lahat ay ang bagay na akala mo ay hindi mo kayang ibigay sa iyong asawa pero nagawang ibigay ng ibang babae sa kanya. At ang pinakamasakit sa lahat ay iyong pangarap na sabay niyong binuo ngunit matutupad niya kasama ang ibang babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD