PRECY Talagang kinulit ko na si Aryan na sabihin sa akin ang totoo. Alam kong may alam na siya sa nangyari noon kaya hindi ako naniniwala sa mga palusot niya ngayon. “Kung hindi mo sasabihin sa akin ang totoo, mabuti pa ay iwan mo na lang ako dito para makapag-sulat na ako at matapos ko na ang ginagawa ko,” taboy ko sa kaniya dahil naiinis ako sa nakikita kong pangisi-ngisi ngayon ni Aryan sa harap ko. “Gusto mo ba talagang malaman ang totoo, baby?” tanong ni Aryan sa akin, kaya mabilis akong tumango bilang sagot. Matapos ko siyang makitang umupo ng tuwid ay tiningnan ako sa mukha ni Aryan na para bang gusto niyang makita kung ano ang magiging reaksyon ko sa sasabihin niya sa akin ngayon. “Honestly, palabas lang ni Dora ang mga nakita at narinig mo noon, baby,” sabi ni Aryan. Tuluyan