Dapat talaga ay hindi ako nakinig kay Lord Sebastian na itago ko si Jamilla dahil siguradong magbabangayan silang dalawa ni Draven. Eager ngayon si Draven na makuha ang posisyon at alam ni Lord Sebastian kung ano ang kayang gawin ng kinakapatid namin na ‘yon, mapunta lang sa kanya ang pamumuno sa council. Magiging sakit sa ulo ko ang kinakapatid ko kapag nagsimulang makialam sa buhay ko si Jamilla, lalo na at nakita niya kung ano ang nangyari kay Precy. “Sir, handa na po ang breakfast,” sabi ni Tinay ng nakasalubong ko. Tinanguan ko lang siya at pumunta sa dining room. Naabutan kong kumain na si Jamilla at nagtaas lang ng kilay ng makita ako pero hindi ako kinibo. “Don't tell me, kaya mo pang kumain habang yung asawa mo ay nakaratay at nagutom magdamag.” Narinig kong masungit na sab

