Matapos ang mahabang oras na katahimikan ay narinig kong muling bumukas ang pintuan. Hindi ako gumalaw at nanatiling nakahiga. Wala akong ganang kumilos o makipag-usap sa kahit na sino, kaya nanatili akong nakapikit at hindi gumagalaw sa kinahihigaan ko. “Ma’am Precy, gising na.” Narinig kong tawag sa akin ni Tinay habang panay ang marahang pag-tapik sa balikat ko. “May dala akong pagkain mo. Kumain ako muna para magkaroon ka ng lakas.” Naramdaman kong umupo sa gilid ng kama si Tinay at muli akong tinapik ng mas malakas sa balikat at braso. “Huwag ka namang ganyan, Ma'am Precy,” pakiusap ni Tinay sa akin. “Natatakot na ako kasi hindi ka na nagigising.” Muli siyang gumalaw at ramdam ko na mas malapit na si Tinay sa akin. “Teka, humihinga ka pa ba?” Biglang dumukwang si Tinay at itin

