Chapter 16-2

1181 Words

Hindi na ako muling nagtanong pa kay Tinay. Ilang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko, habang nakatingin sa kawalan dahil alam kong hindi malayong magkita na naman kami ni Aryan. Ang totoo ay hindi pa ako handang makaharap si Aryan. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin dahil sa hindi magandang nangyari noong gabing nagtalo kaming dalawa sa loob ng library at nauwi sa away. “Okay ka lang ba, Ma'am Precy?” Narinig kong tanong ni Tinay dahil bigla akong nanahimik. “Oo,” maikli at tipid na sagot ko. “Sige na, Tinay, bumalik ka na sa loob at baka hanapin ka ni Aryan.” Maikli ang pasensya ng lalaking iyon. Siguradong pagagalitan niya si Tinay kapag tinawag siya nito at hindi siya agad nakalapit. Muli ay naiwan akong mag-isa dito sa garden. Mas gusto ko na lang sana na dumit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD