Noong una ay inakala ko na si Tinay ang nagsumbong sa mga magulang ni Aryan, pero malinaw na narinig ko sa usapan ng mga kasama ko na tinawagan raw ni Jamilla ang mother-in-law ko, kaya nalaman nila ang tungkol sa akin. Bumaling sa akin si Jamilla at ngumiti. “Ikaw, Precy, huwag kang papayag na aapihin ka lang nitong si Aryan. Kapag umulit pa ang magaling na lalaking ito ay sabihin mo agad sa akin at lalamugin ko rin para patas kayo.” Awkward man sa pakiramdam ko ang sitwasyon namin ngayon, pero nagawa kong ngumiti nang dahil sa narinig kong sinabi ni Jamilla. “Get out, Jamilla!” Pagtataboy ni Aryan sa kanyang kinakapatid. “Sige, turuan mo pa ng kung ano-ano ang babaeng iyan. Kanina lang ay natuto na 'yang sumagot-sagot sa akin. Alam mong maikli lang ang pasensya ko, kaya huwag mo ak

