PRECY FIVE YEARS LATER “Mama!” Napangiti ako ng marinig kong bumukas ang pintuan kasabay ng matinis na mga tinig ng dalawang anak ko. Kadarating lang nila galing sa nursery school kung saan sila pumapasok ngayon. Mahigit apat na taon na ang kambal at sa tuwing titingnan ko silang dalawa ay hindi ko maiwasang maalala ang kanilang ama. “Kumusta mga pogi?” malambing at nakangiting tanong ko sa dalawa. Nakangiting ngumiti sa akin si Patrick. Si Paul naman ay tahimik lamang na nakatayo sa tabi ng kakambal habang seryoso ang ekspresyon na nakatingin sa amin. “May star akong natanggap mula kay teacher today, Mama,” proud na sabi ni Patrick. “Wow! Patingin nga!” natutuwang sabi ko sa anak ko. Mabilis na itinaas ni Patrick ang kanang braso at ipinakita sa akin ang star na nakatatak sa lik