bc

Wild Reunion Series 2: Allured (TAGALOG - COMPLETED)

book_age18+
3.3K
FOLLOW
7.1K
READ
possessive
bxg
humorous
small town
enimies to lovers
lawyer
multiple times a day
like
intro-logo
Blurb

Graphic Artist Allison "Troublemaker" Andrada lost her endeavors of molding herself for a permanent change after her first boyfriend ended their four-year relationship. Turns out that the break-up leads Allison to her high school archenemy, Jacob Braganza, the arrogant yet hot trial attorney, in a modified high school reunion.

"I hate you so much that I want you gone in my sight, Jacob. But you just allured me..."

Now, could she still hate Jacob after she had an enjoyable no string attached with him?

UNEDITED VERSION

chap-preview
Free preview
Chapter 1 : Part 1
"SCHOOL Year Batch 2012-2013 of Saint Martin Academy agree to have the one week reunion this coming May 03, 2020, 08:00 am. The reunion itinerary of the week will be discussed at the opening ceremony. Be there and you will be surprised! Pass this to the rest of the batch. - Teresa M, event organizer." Tumaas ang isang kilay ni Allison pagkatapos mabasa ang bagong post na galing sa classmate nila na si Teresa, ang class president ng room nila noon sa high school, sa app na Facebook. Sabay silang nagkatinginan ng mga kaibigan. "Oh, mems. Reunion daw, sa lunes na." maarteng abiso ni Juanico sabay patingin sa cellphone nitong Iphone X. Tumingin siya sa kalendaryo ng laptop at nakitang ados na ng mayo. Dahil sa pagkaabala sa pagawa ng book cover ng IPC ay hindi niya na namalayang ang panibagong buwan na ang dumating. Idagdag pang sa departamento siya ng Erotica na patok sa mga mambabasa ay mas marami siyang gawain kaysa sa mga kaibigan. "Ay mems, hindi ako talaga puwede diyan," malumanay na tanggi ni Allison. "Magagalit si Hansel sa 'kin. Kilala mo naman 'yon. Gusto niyon work, condo and repeat lang ako." "Hay nako! Iyang boyfriend mo talaga, ang KJ. Ikaw naman, walang freedom. Sakal na sakal, kaloka! Hindi ko alam kung bakit mo ba 'yan ginagawa sa sarili mo kung puwede namang hindi." iiling-iling na wika ni Janina, ang kambal ng bakla niyang kaibigan na si Juanico. "Truths!" segunda ni Juanico sa nang-aasar na tono. "Hindi ko alam kung tao ba talaga jowa niyan o choker, eh." "Mems, hayaan niyo na ako sa set-up na 'to. Besides nag text sa akin sa Hansel kanina na sabay daw kami mag lunch mamaya." magiliw na tugon niya at nagmamayabang na nginisihan ang mga kaibigan. "Baka naman, 'no... mag po-propose na talaga siya sa akin mamaya!" "Propose?" Tiningnan siya ng masama ni Juanico. "Huwag kang feeling, mems. Huwag kang mag assume sa Hansel na iyon at baka masaktan ka lang bandang huli. Sige ka, uuwi ka talagang luhaan." "Yes! Yes!" pagsang-ayon ni Janina, bumungisngis saka nakipag-palad sa kambal nitong si Juanico. "Mahirap na, mems. Baka iyang choker na boyfriend mo maging biglang sibuyas. I am certain that Hansel will turn into an onion someday... hindi mo malalaman, baka nga mamaya na mangyari 'yon."" Napailing-iling na lamang si Allison sa kalokohan ng dalawa. Minsan talaga ay hindi niya maunawaan kung mga kaibigan niya ba talaga ang mga ito at ganoon na lamang ito mang-asar pagdating sa kanyang lovelife. Ang mas hindi niya lang mataggap ay kung gaano ang mga ito kalakas mang-asar ay ganoon din naman ang mga ito ka-olats sa love life. Sa kanilang tatlo ay mukha siya pa itong nasalba sa hanay na iyon. Sabagay, hindi rin naman naging problema iyon sa dalawa sa pinaniniwalaan nitong salawikain na, 'Single life, happy life.' Mukhang balak pa ata pa ng kambal na maging rich aunties na lamang sa mga anak ng mga pinsan nito, at sa magiging anak niya sa hinaharap. But not her, hindi siya katulad ng mga kaibigan. Because she wanted to get married too. Have a life with his lovable husband. Have three kids to take care with until she die. At ang tanging nahihinuha niyang lalaki na makakasama kasama ng kanyang mga magiging anak ay si Hansel lamang, ang lalaking kaytagal na hiningi niya sa maykapal. Nang magkatinginan ang kambal na halatang patuloy na nang-asar sa kanya gamit lamang ang mga mata ay umingos na lamang siya sa mga ito bilang pagbalewala sa biro at sa halip ay sumipat sa relong pambisig. Saktong pasado alas-onse na at break time. "O 'sya, mga walang jowa, gora na me sa date at sasagutin ko pa ng oo si Hansel." magiliw na sabi niya sa dalawa sabay suot na sa Limited Kate Spade bag na regalo ni Hansel sa kanya noong third anniversary nila. "You'll see, I'm going to be Mrs. Herrera in this very day. Mark my word, you two. Tatawanan ko na lang kayo ng malupitan tawa pag balik ko dito sa office na may singsing na sa kaliwang kamay. Kala n'yo, ha." Nakangisi lang ang dalawa nang mapag-iwanan niya ito sa loob ng opisina. Bandang alas-dose ay dumating si Allison sa paborito nilang restaurant, ang North Park sa Eastwood Mall. Napangiti siya nang makitang nakaupo ang kasintahan at tahimik lamang na naghihintay sa kanya gaya ng nakasanayan. Well-collected at businesslike, that's how Hansel, her four-year boyfriend, was always like. Sometimes, she even found it boring although she understand. Kailangan nitong kumayod sa trabaho dahil isa itong tagapagmana ng disteliriya. Humalik siya sa pisngi nito bago mahinhin na umupo. "Hi, babe. What's up?" bungad niya dito, maamo na ngumiti. "I think I can't do this anymore, Allison." diretsahang wika nito nang makaupo. Bago pa man siya makaalma ay dumating na ang pagkain na mga in-order ni Hansel. It was their favorite Ramen Soup and Beef Tapa with Red Wine on the glass on the side. Sa biglang sinabi nito ay nawalan siya ng gana. "What do you mean, babe?" pasimpleng humigop si Allison ng sabaw kahit pa bahagya nang kinakabahan. Hansel could not be serious. He was just maybe pulling a prank. Yes, a prank. A not so good prank to be in fact. He could not do it to her. He just couldn't break up with her like that... "I'm breaking up with you..." Oh god, he just fucking did... Unti-unting nabitawan ni Allison bigla ang kubyertos sa pag-alpas ng katagang kinakatakot niya. Tuluyan ng tumigil ang pag-inog ng kanyang mundo at patuloy na umalingangaw ang sinabi nito sa kanyang tainga. Iyon na lamang ang tanging naririnig niya kahit na marami-rami rin ang mga taong kumakain sa loob ng restaurant. "A-a-ano?" aniya habang pinipigilan ang mga luhang nagpupumilit na kumawala sa kanyang mga mata. "Four years. Four years tayo, Alli. Pero hindi ka man lang nagpakita ng p-pagkagusto makaulayaw ako sa kama." "W-w-what? Hansel, I... I—I thought—" Hindi niya na mahagilap ang gustong sabihin. She was so confuse and so hurt. Akala niya iyon ang gusto nito ng kasintahan kaya ginalingan niya ang pagpapanggap. Ang magpaka-demure dahil tipo nito ang babaeng pikipot at mahinhin. Ngunit nagkamali ata siya sa parte na iyon. Maling-mali siya sa akalang iyon. Fuck! "I'm sorry, but I'm not happy in this relationship anymore." pagbibigay-alam nito at yumuko, pinanatili ang pagtanggi na magsalubong ang kanilang mga mata. "What?" hindi makapaniwalang sambit ni Allison, nataranta, ang munting mga luha ay nangilid na sa mga mata. "No, Hansel. No no no no no, please, don't do this to me—" "I've been cheating on you for a month now, Allison. This is my first and last goodbye. I'm sorry." Bumulong pa ito ng kung anong kataga na hindi niya na naulinigan. Napanganga si Allison sa sobrang pagkagimbal nang tuluyan na nga itong tumayo at iniwan siyang nanghahapdi ang mga mata, ang mga luha ay tuluyan ng gumapang pababa sa kanyang mga pisngi. Parang pinapalakol ang puso niya at tinutusok-tusok ng napakaraming karayom. "No..." ang tangi niya na lamang nausal habang lumuluha mag-isa sa harap ng hapag kainan. "ALAM mo, mems. Pumunta ka na sa reunion natin bukas. 'Di ba ang ikinababahala mo lang naman si Hansel? Since break na naman kayo—" Mas lumakas pa ang pag-atungal ni Allison nang maalala ang ginawa ng four year boyfriend sa kanya kanina lamang. Inabot niya ang tissue pero wala na siyang nakapa sa lamesa. "Tissue..." ekseharadang palahaw niya sabay turo sa mga nagamit na tissue. "I need tissue!" Hindi pa rin siya tumigil sa pag-iyak kahit na pinagtitinginan na siya ng mga tao sa loob ng fast food restaurant. Hindi niya pa rin ginagalaw ang order niya sa Racks kahit na nangalahati na ang order ng mga kasama. "Tissue... tissue daw, Juanico!" ani Janina na tinulak-tulak pa ang kambal sa niyerbos. "Ay, wait! Wait lang..." Natatarantang luminga-linga ang bakla niyang kaibigan na si Juanico. "And it's Jua, bal. Jua! Hindi por que kambal kita ay puwede mo na akong tawagin gano'n. Jusko! Wiz gano'n. Ang panghe pakinggan ng Juanico!" Umingos muna ito bago tuluyan ng pumunta sa counter nang makitang busy lahat ng server sa Racks. Ilang sandali pa ay bumalik itong may pungpong na table tissue sa isang kamay. Kinuha niya agad iyon at ipinunas sa mga matang marahil ay naapapalibutan na ng nagulong eyeliner. Eksaheradang pinaypayan ni Allison ang sarili gamit ang mga kamay. "Ang sakit talaga, mga mems..." "Puro ka ang sakit, sakit, sakit! Kalurkey! Alam mo pumunta ka na lang sa reunion natin bukas. Tingnan mo si Eselle ng editor department, oh. Doon niya nahanap ang poging fafa niya. Akalain mo iyon, after three months, shalan kasal na agad sa guwapong veterinarian. Sana lahat." "Oo nga!" segunda pa ni Janina, tumango-tango. "At saka sabay sabay na naman natin natapos ang pagawa ng book covers ng IPC, 'di ba? Gora na us, mems! Minsan lang 'to!" Alam niya na ang reunion ang pinag-uusapan ng kambal, sapagkat ang paghihiwalay nila ni Hansel ang nanatiling tumatakbo sa isipan niya. Can they blame her for being overly emotional? After all, it was her first boyfriend whom she thought will get down on one knee and will wait to her on the aisle. "Masakit mga mems... ang sakit sakit..." Napaismid si Juanico at eksaheradang napaungol. "Ano ba naman yan, Allison! Hindi na ako magtataka kung may additional payment tayo sa mga tissue na ginamit mo." "Kaya nga, eh. At saka bakit ka ba nagkakaganyan? You used to be a rebel princess back in high school, mems. Bakit mo ba binabago ang sarili mo para sa walang hiyang ex mo na 'yon?!" asik ni Janina. "True!" maarteng pagsang-ayon ni Juanico. "Nagpakamahinhin. Nagpaka-demure. Nagsanta-santita ka kahit na may lukaw ka naman talaga sa bituka! Kaurat ka, mems!" "Eh, kasi iyon ang gusto ni Hansel sa isang babae. But then nasobrahan naman... nasobrahan..." Hindi niya na napigilan ang pagngalngal sa kinauupuan. Sa pagkakataong iyon ay mas lalo pang lumakas ang kanyang paghikbi. Hindi niya na pinansin ang pagtingin-tinginan ng mga tao sa loob ng establishment. "Nasobrahan naman ata ako sa pagpa-demure kasi hiniwalayan niya ako dahil 'di man lang daw ako nag initiate ng kahit kaunting intimacy. Kaya nga pa-demure, 'di ba? Puta! Eh, kung sinabi niyang gusto niya akong makaulayaw gabi-gabi eh di sana ako pa mismo ang umupo sa ari niya!" Humagalpak ng tawa ang kambal at nagulat na lamang siya nang sabay rin itong natigilan. Na tila ba ay nasindak. Kulang na lamang ay tumiklop ang mga ito ng parang makahiya sa kinauupuan. "Excuse me, miss. You are so loud. Kayong tatlo. Actually, kanina pa kayo, eh. Paalala ko lang na hindi lang kayo ang taong nandito't kumakain." Tikwas ang kilay na napalingon si Allison sa lalaking biglang umeksena. "What the fuck, dude—Jacob?!" Tiningnan niya ito ng masama matapos mapamilugan ng mga mata. "You..." Bahaw itong ngumiti at tiningnan siya ng masama. "Oh, it's you, the troublemaker Allison Andrada. Bakit pa ba ako nagtanong, 'no? Gawiin mo na naman pala ito dati pa." Salubong ang kilay na umirap siya dito. "God! I so hate you. Ipinaglihi ka talaga sa regla! Kahit kailan kontrabida ka talaga ng buhay ko!" "Well, the feeling is mutual, Alli. The feeling has always been mutual... It's been years yet your presence always triggers me so bad." Walang emosyon itong tinapunan siya ng tingin bago tuluyan nang tumalikod at humakbang palayo. Naiwan naman siyang napamaang at nag-iinit ang ulo sa naulinigan. How the dares him insult her like that and walked out on her after?! Sa buong buhay niya ay walang nakagawa niyon kundi ang binata lamang. Alalang-alala niya kung paano siya nito barahin at pangaralan simula noong nasa high school pa sila kapag gusto nito. Sandaling nakalimutan niya ang dinaramdam at naiwan na nanggaggalaiti sa galit. Damn you, Braganza! Maybe her friends were right. Refreshment was all she needs now... A momentary peaceful and stress-free environment for her broken heart. Oo, iyon siguro ang kailangan niya pagkatapos ng lahat na nangyari sa kanyang buhay. Pagkatapos ng kanilang hiwalayan ni Hansel sa kadahilanang hindi siya nagpakita ng kung anong kagustuhang makaniig ito. Madali lang naman lumipas ang isang linggo kaya susungaban niya na lamang ang pagkakataon. Binalingan niya ang kambal na nakanganga pa rin sa kanyang harapan, marahil dahil sa gulat at pagkalito sa mga nangyari. "Sige, pupunta na ako sa reunion." Sabay na naghiyawan ang dalawa at nagkipagpalad sa isa't isa. Buti na lamang ninang ng kambal ang COO ng IPC at puwede silang makapag-leave kahit na wala ng pirma-pirma pa sa vacation leave form. Sa kompanyang pinagtratrabuhan ay masasabi niyang isa sila sa mga pinakamapalad na empleyado. Bukod sa puwede silang mag work from home, puwede rin silang mag leave nang hindi na nagpapaalam. "Pero sino yung guwapong masungit na 'yon, mems? Bakit kilala ka no'n?" pang-usisa ni Janina, hindi na ata napigilan ang kuryusidad. Napaismid siya bago sumipat sa lamesa nito. Laking pasalamat niya nang wala na ito roon kundi ay baka uminit na naman ang kanyang ulo. "Masungit, oo! Pero guwapo?!" Hindi makapaniwalang napabuga ng hangin si Allison. "Geez, saan banda?!" "Ay! Galit na galit? Gusto manakit?" pabirong hirit ni Juanico sabay ngumisi. "Pero walang halong joke, sino nga 'yon, mems?" "Wala. Wala siyang papel sa buhay ko kaya manahimik na kayo."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
39.2K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.3K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

The Sex Web

read
134.2K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.8K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
35.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook