The Soldier And I Book 3 AiTenshi Aug 16, 2020 Part 36: Kaligayahan "Amoy alak ka Turalba, huwag kang tatabi sa anak mo." ang wika ko noong dumating ito, alas 10 ng gabi. "Natural, sa inuman ako galing diba?" ang naka ngisi niya sagot. Mapulang mapula ang mukha, lalong sumingkit ang mata dahil namumungay ito. Tapos kapag titingin ako sa kanya ay ngingiti ito na parang nakakaloko lang na hindi ko maunawaan, pero sobrang gwapo lalo na kapag ganitong lasing. "Inihanda ko na yung gamit mo. Maligo kana at ang baho mo." ang tugon ko sabay sampay ng tuwalya sa kanyang balikat. Umupo siya at humilata sa sofa. "Alisin mo nga yung sapatos ko." ang utos nito. Agad ko namang inalis ang sapatos niya at binigyan ito ng tsinelas. "Kamusta naman yung kaibigan mo? Mabuti at hindi ito nag tangkang m