The Soldier And I Book 3 AiTenshi Part 38: Ang Puso ng isang Ama ADEL POV "BANG! BANG!! Hala dapat mamatay ka daddy!! Ang daya daya mo naman ehhh!" ang sigaw ni Angelo habang nag lalaro sila ni Bryan sa silid. Napaka gulo nilang mag ama, samantalang ako ay antok na antok pa at mabigat ang talukap ng aking mga mata. "Barilin mo si Papa para magising! Dali!" ang bulong ni Bryan sa anak kaya naman nag suklob ako ng kumot para makaiwas. Lumundag sa akin si Angelo at saka ako pinag babaril kaya naman inalis ko ang kumot sa aking ulo at sumilip ako kay Bryan. "Inaantok pa ako." ang inis kong bulong. Agad niyang kinuha si Angelo "doon nalang tayo mag laro sa labas. Mainit yung ulo ni papa Adel kasi hindi siya nabaril kagabi." ang pilyong hirit ni Bryan sabay pasan sa anak. Ang totoo noon