Mavis Nhea's P. O. V. Matutulog na sana ako nang biglang namatay ang ilaw, aircon, at purifier ng kwarto. Napabangon ako, naramdaman ko namang napabangon rin si Ardel. Hindi ko siya makita, kaya tumayo ako at nangapa sa dilim. "F*ck! Where's my phone!?" sigaw ni Ardel. "Ardel, wala atang kuryente--aray!" napasigaw ako nang may matigas na bagay ang nahulog sa paa ko. Malakas ang tunog nito at mukhang cellphone ni Ardel iyon. Sa sobrang sakit ng paa ko ay napaupo ako sa kama. Dahil sa gulat ni Ardel ay hinila niya ako at tumili ito. "Hoy! Ano ka ba? Ako 'to! Ang sakit ng paa ko!" sigaw ko. "G*go! Wala akong makita--" "Ako rin!" Nakarinig kami ng kaluskos mula sa kung saan. Bigla kong naramdaman ang mga kamay ni Ardel na dumapo sa dibdib ko. Sa sobrang gulat ko ay tinulak ko siya. "B