Mavis Nhea's P. O. V. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko so David sa harap ng lalakeng student na nakasuot ng damit ng pari. Biglang tumugtog sa maliit na speaker ang kanta ng pangkasal. Tinulak ako ng babae dahilan para mapasubsob ako kay David. "S-Sorry--" "Buti na lang nakuha ka nila, alam kong hindi ka papayag," ani David. Napatitig ako sa mga mata niya. Nakangiti siyang muli ng matamis sa akin, hinawakan niya ang kamay ko. "P-Para saan 'to? nakakahiya naman, baka kung anong sabihin ng ibang tao kapag nakita nila tayo," ani ko at binitawan ang kamay niya. Nilibot ko ang paningin ko at nakita kong may mga estudyante na kinukuhanan kami ng litrato at video. Agad kong tinakpan ang mukha ko at yumuko. "Stop taking photos! Respeto naman, ikakasal kami!" sigaw ni David. Napasigaw