Ardel Jake's P. O. V. Pumunta ako sa rooftop para manigarilyo. Maaga akong pumasok dahil maaga akong nagising, iniwan ko na doon si Mavis, bahala na siya sa buhay niya tutal wala naman akong pake sa kaniya. Ilang sandali pa ay biglang bumukas ang pinto ng rooftop. Hindi ko ito hinarap sa pag-aakalang si Mavis na naman 'yon. Nagpatuloy lamang ako sa paninigarilyo pero bigla kong naramdaman ang pagyakap nito sa likod ko. "Mav---" Nang humarap ako ay kaagad na nag-init ang dugo ko nang makita si Darlyn. Tinulak ko siya kaya napabitiw siya mula sa pagkakayakap sa akin. "Ardel, I am here, again." Ngumiti siya at akmang lalapit pero lumayo ako at humithit ng sigarilyo ko. "The f*ck, hindi ka ba talaga marunong umintindi? Hindi ba sinabi ko sa 'yo na huwag mo na ako guluhin!?" inis kong sa