"Sorry natagalan ako. An'g ami pa kasing pinagawa 'yung boss ko sa'kin bago ako pinauwi," hinging paumanhin ni Jaycion nang dumating sa tagpuan nila ni Jo-anne. "Okay lang. Tayo na?" Nakangiting ani Jo-anne. Hindi naman siya nabagot sa kulang-kulang isang oras na pagka-late ng binata dahil nagkwekwentuhan sila ni Madel tungkol sa kung saan-saan. "Sige tara," sang-ayon ni Jaycion. Inalalayan pa siya. Ginawa pa rin yung laging ginagawa sa kanya, yung tinutulangan siyang maglakad. Inaalalayan siya. Si Madel ay kinikilig na naman. Ang tingin na naman sa kanya nito ay iba. Hindi na lang niya pinansin ang bata kahit na kinikilig din siya. Lumabas na sila ng bahay ni Jaycion pero nagulat siya nang may isang kotseng nakaparada sa harap ng bahay nila at binuksan iyon ni Jaycion. Totyal! "Sa'yo