PART 4

1021 Words
"Maiwan ko muna kayo rito. Dadalhin ko lang itong ibang prutas kay duktora," sabi ni Aling Juana kina Jaycion at Jo-anne nang masaya nang nag-uusap ang magkaibigan. "Sige po. Ako po muna magbabantay kay Jo-anne, Tita." "Paki-hi na lang po ako kay duktora, Nay." "Oo, sige." Panatag na lumabas si Aling Juana sa silid ng anak at tinungo nga ang opisina ni Duktora Florez sa ospital. Nadatnan niya roon si Duktora Flores na may binabasang papeles. Ngumiti agad sa kanya ang mabait na manggagamot at pinaupo siya. Tuwang-tuwa ito nang inabot niya rito ang mga prutas na pasasalamat niya sa kabutihan ng doctor sa kanilang mag-ina. "Duktora, gusto ko sanang malaman kung sino ang donor ng mata ng aking anak. Gusto ko sanang personal na magpasalamat po sana sa kanila," sinserong sabi ni Aling Juana nang tanungin siya ni Duktora Florez kung ano ang sadya niya rito. Ngumiti ang Duktora sa kanya. "Confidential po Mrs. Bongat pero 'wag po kayong mag-alala hihingi ako ng permiso sa kanila kung gusto rin nila kayo na makilala. Pero sa ngayon po kasi ay naglukuksa pa ang mag-asawang Deloria sa pagkamatay ng panganay nilang anak." "Gano'n po ba." Nalungkot si Aling Juana para sa mag-asawang tinukoy ni Duktora Florez. Alam niya ang pakiramdam, siguro'y hirap na hirap ngayon ang kalooban ng mag-asawa, dahil noon pa nga lang na nadisgrasya lang ang anak niyang si Jo-anne at mabulag ay halos hindi na niya iyon kayanin. 'Yon pa kaya na namatay pa ang anak nila? Siguro kung kaharap lang niya ang mag-asawang iyon ay gagawin niya ang lahat para payapain ang mga kalooban nila. Ang sakit no'n para sa isang magulang. Sobrang sakit. "Mag-antay lang po tayo ng panahon, Mrs. Bocat. Ipagdasal na sana gusto rin nilang makilala si Jo-anne. Dahil halos lahat naman ng nagdo-donor ay kinikilala talaga nila kung saan napuntang tao ang bahagi ng katawan ng mga mahal nila sa buhay. Kaya alam ko hahanapin din nila si Jo-anne pagkatapos ng pinagdadaanan nila ngayon. Bigyan lang po muna natin sila ng panahon." Ngumiti na si Aling Juana. Naiitindihan niya. Siguro kung magtatanong ulit si Jo-anne sa kanya tulad kanina kung sino ang donor nito sa mata ay gagayahin na lang niya ang paliwanag ni duktora sa kanya. "Sige po, Doc. Pasensiya na kayo kung naabala ko po kayo. Sige po mauna na po ako. 'Yang mga prutas kainin niyo po, ha?" "Sige po. Salamat po ulit dito." *** "Sige na magpahinga ka na. Babalik na lang ako ulit," sabi ni Jaycion kay Jo-anne. Masyado na silang maraming napagkwentoha at napag-usapang magkaibigan. "Aalis ka na?" biglang nalungkot si Jo-anne. Ayaw niya pang umalis ang binata, eh. "Kailangang mag-report pa kasi ako sa trabaho ngayon para makapasok na ulit ako bukas." Ngumiti siya. Naiintidihan niya si Jaycion kahit ayaw pa sana niya itong umalis. Nagtratrabaho lang kasi si Jaycion sa isang sanglaan. At kahit binata ay pasan naman nito ang walang kwenta nitong ama. Simula raw namatay ang ina ni Jaycion last year ay naging batugan na ang ama nito. "Sige pero dalawin mo ulit ako rito, ha?" "Oo naman! Kailan pala ang labas mo rito sa ospital?" "'Di ko pa alam kay nanay, eh." "Gano'n ba. Sige balik-balik na lang ako rito." Tumayo na si Jaycion. "Ingat ka, ha?" Ngumiti sa kanya ang binata. "Oo, sige pahinga ka na. Matulog ka na para lumakas ka pa." "Bye, Kuya Jaycion!" Paalam din ni Madel sa binata kahit hindi ito nakikita. Susundan pa sana ng bata si Jaycion pero hinila ni Jo-anne ang mahaba nitong buhok. "At san ka pupunta?!" Dilat ni Jo-anne sa bata. Nakikilandi pa, eh. Humagikgik si Madel. Saglit ay napangiti rin siya sa bata. Saka inihaga na niya ang katawan. Kinikilig pa niyang niyakap ang isa niyang unan. "Oy si Ate kinikilig!" tukso tuloy sa kanya ni Madel. "'Di ko kasi in-expect na gano'n pala kagwapo ang kaibigan kong 'yon, eh." "Eh, maganda ka naman Ate Jo-anne! Bagay po kayo!" Lalong nagningning ang mga mata niya. "T-talaga?!" Tumango-tango ang batang multo. "Ay bibilhan kita ng ice cream 'pag labas ko rito!" Napa-yeheh ang bata pero agad ding napawi ang saya niyang iyon. "Ate, hindi naman na ako pwedeng kumain pala ng ice cream, eh!" Napanguso siya. Oo nga pala dahil multo na nga pala ang bata. "Sige 'pag labas ko na lang ay pupuntahan na lang agad natin ang bahay niyo para makauwi ka na!" Nagliwanag din agad ang mukha ng bata. "Sige po, Ate!" Nag-apir silang dalawa. Kapag talagang tungkol sa pamilya ay kitang-kita niya ang kasiyahan at kasabikan sa mukha ni Madel. Sana nga ay matunton niya agad ang bahay nina Madel paglabas niya. Para mapasaya niya ng lubusan ang kaluluwa ng bata. "Sige na Ate magpahinga ka na. Matulog ka na muna para bumalik daw ang lakas mo sabi ni Kuya Jaycion mo." Ginulo niya ang buhok ni Madel. "Ikaw talaga pero sige na nga inaantok na rin ako, eh." "Sige po. Don't worry dito lang po ako, babantayan kita." "Hindi ka maiinip?" "Hindi po kasi may kalaro naman ako, eh." "Sino?" "Siya po!" May tinuro si Madel sa tabi nito. Yay! Kinilabutan siya! Oo nga pala madami pa palang multo rito sa silid niya. Hindi lang si Madel, hindi lang niya mga ito nakikita. "S-sige laro lang kayo," aniya na napapangiwi. Tumayo na naman ang mga balahibo niya sa katawan. Buti na lang pala at si Madel lang ang nakikitang multo ng mga bago niyang mata. Pa'no na lang kung lahat ay nakikita niya? Eh di bawat tingnan niya ay may multo! Waaahhh! Hindi niya carry, tama na si Madel! Ipinikit na niya ang kanyang mga mata nang makita niyang naglalaro na nga si Madel. Nakikipagkulitan na ito sa kasamang multo. Baka biglang makita pa niya ang kalaro ni Madel eh, kaya matutulog na siya. Mahirap na! At ewan ni Jo-anne kung bakit kahit parang kakapikit palang niya ay nahulog na agad siya sa isang panaginip. "Madel?! Madel!!" paulit-ulit na sigaw ng babae sa pangalan ni Madel kasabay ng pagtakbo nito kung saan-saan. Hinahanap ng babae si Madel. "Madel! Nasa'n ka?! Madel, hindi kita makita! Gusto kita makita! Huhuhu!"........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD