"N-nagbibiro ka lang diba?" Seryoso nya ko na tiningnan. Napalunok ako. Hindi ko kasi alam kung maniniwala ba ko o hindi. "Hindi. Totoo ang sinabi ko sayo. Di ka ba naniniwala?" Umiling ako at napakagat sa sarili kong labi. Napa-buntong hininga sya. "Maniwala ka. Gusto kita. Hindi ko alam kung bakit. Nung una kitang makita, di ka na mawala sa isip ko, lagi kitang naiisip. Sinubukan ko na iwasan ka at di lapitan. Pero, di ko kaya," Hindi ako maka-salita. Habang sinasabi nya ang mga salita na iyon ay sumasabay ng ingay ang pagbilis ng t***k ng puso ko. "Naisipan ko na maki pagkaibigan sayo para makasama kita. Pero, di pala sapat yun." Dugtong nya. Nanatili pa rin ako tahimik. Iniwas ko na ang tingin ko sakanya. Di ko na kaya. Alam ko na kanina pa ko namumula. Yung puso ko naman ay hi