Napakagat ako sa labi ko dahil sa narinig ko. Dapat na ba ko magsalita? Ok. Hingang malalim ulit. "Na--nagseselos ka?" Napatingala sya at napa-buntong hininga. May mali ba sa sinabi ko? "Yes. I am jealous!" Sabay baling sakin kaya iniwas ko ang tingin ko sakanya dahil nakaramdam ako ng ilang sa mga mata nya. "Ba--bakit?" Utal ko pang tanong. "Because I like you, and you already know that. Damn! Naiinis ako kapag may kasama kang ibang lalaki!" Gusto nya ko.. Gusto nya ko.. pero may ibang babae naman syang kasama kanina. Napairap ako bigla nang maalala yun at para bang nawala ang kaba na nararamdam ko kanina. Masama ko syang tiningnan. "Hindi naman maiiwasan yun, lalo na si Niel, lagi ko syang kasama dahil kaibigan ko sya. Atsaka, wa--wala ka naman karapatan na magselos dahil wala nam