strawberry shake

1053 Words
Wala kaming pasuk ngayun kaya sigurado ako na pupunta siya dito, Lagi naman ganun yun Basta walang ginagawa ako ang binibwisit, Hindi ko namalayan na nakaidlip ako naramdaman ko na lang na may humahaplos sa ilong ko, Pagmulat ko ng mata nakahiga na siya ng patagilid habang nakaharap sa akin, Nakangiti niya akong binati, "Hi tanghali na ah' bakit tulog ka pa?" "Gising na ako kanina nakatulog ulit ako" Ngiting sabi ko sa kanya, "Tayo kana diyan may dala akong ulam nagluto kasi si mommy" "Bakit wala ata si Manang delia?" tanong niya sa akin habang hinihila ako patayo sa higaan, "Nagpaalam siya Kay daddy kanina emergency daw" "Sakto naman pala yung pagluto ni mommy ng ulam" sabi niya', Bukod Kay daddy si Manang delia lang ang kasama ko dito sa bahay, Limang taon pa lang ako nung mamatay si mommy hindi na din nag asawa si daddy dahil wala daw makakapalit sa puso nito sa kanya, Natutuwa ako sa katwiran na yun ni daddy, Sana pag dumating yung araw na ako din ay magka pamilya ganoon din ang magiging katwiran ng mapapangasawa ko, Napangiti ako sa isipin na yun, nawala ang ngiti ko nung biglang may humalik sa pisngi ko, "Mahal na prinsesa ang lalim ng ngiti mo?" Nakangiting salubong ang kilay na tanong niya sa akin, "Wala po tara na labas na tayo Kain na tayo" Nakangiting aya ko sa kanya sa kusina Hinayaan ko siyang kumilos mag isa sa kusina, wala naman bago dun kulang na nga lang dito siya tumira Tumabi siya sa tabi ko para makakain, "Aldrin pupunta pala kayo ng Mindoro?" Tanung ko sa kanya, "Yup one week lang ako duon dahil may pasuk pa tayo" Sagot niya sa akin na nasa pagkain ang tingin, "Pati si kuya Albert?" napatigil siya saglit sa pagsubo, "Ahhm magtatagal si Kuya duon may pinaasikaso kasi si daddy" Nalungkot ako sa narinig ko, tumango na lang ako Hanggang matapos ang pagkain hindi na siya nagsalita, Siya din naghugas ng pinagkainan namin, Nagpaalam na siya na may pupuntahan daw siya, napansin ko na Malungkot siya hindi ko na lang tinanong, Sanay na kasi ako sa kanya na pabago bago ng mood.. mag isa na naman ako ng bahay sa isip isip ko. pero saglit lang nag ring Ang phone ko napakunot noo ko si Aldrin tumatawag, napakunot noo ako kakaalis lang niya a, sinagot ko na lang, "Oh bakit?! tanong ko, "honey I'll be right back" "ok sige" sagot ko na lang, "ano gusto mo miryenda natin?" tanong niya sa akin, "bahala kana" sagot ko ulit sa kanya, "ok I...... ou honey" hindi ko naintindihan yung salita niya' na parang hangin, napailing na lang ako ang hilig niya talaga sa mga ganoong pang aasar sa akin, hindi na ako bumalik sa taas,. tumambay na lang ako sa sala dito ko na lang siya hihintayin, habang nanunuod binuksan ko ang cp ko at binuksan ang gallery, naka save na dito yung picture ni kuya Albert, lagi ko ito tinitignan pag mag isa ako, ang gwapo talaga niya', kahit seryoso ang mukha mababakas mo sa kanya na pag ngumiti ay napakabait naman niya', gwapo din naman si Aldrin Kung tutuusin malakas ang appeal nito pag ngumiti na, kahit hindi siya ngumiti nakabakas na lagi sa gwapo niyang mukha yun, Nahiga ako sa bankuan na mahaba habang nakatingin pa din ako sa picture ni kuya Albert, ano kaya pakiramdam na mayakap at mahalikan niya', puno ako imahinasyon habang nakatingin sa larawan niya', hindi ko namalayan na hinila na pala ako ng antok at naibaba ko ang phone ko sa dibdib ko. Nagising ulit ako na para na naman may humahaplos sa ilong ko, hindi na ako nagtaka isa lang naman ang gumagawa nun sa akin, Nakangiti niyang mukha ang sumalubong sa pagdilat ng mata ko, "puyat kaba?" tanong niya sa akin, inalalayan niya ako para maupo, at tumabi siya sa akin, hindi ko siya sinagot nakita ko na may pizza na' sa ibabaw ng mesa at Yung favorite namin na iniinom strawberry shake, pagkaupo niya nilipat niya ang tv hindi ko na pinansin kung saan niya nilipat dahil natuon na ang pansin ko sa shake na binili niya', kumuha na din siya ng pizza at inabot sa akin ang isa, "saan ka nagpunta kanina?" tanong ko sa kanya habang nakahigop siya sa shake na hawak niya', nag alis lang ng sama ng loob sagot niya' tatanungin ko Sana siya Kung anong sama ng loob nung bigla niya pinasok sa labi ko ang straw ng shake, kaya napahigop na lang ako, hindi na ako nagulat dahil ganito talaga siya sa akin sumandal ako sa balikat niya at napatingin sa tv kung saan nilipat niya ng palabas, parang romance ang pinanunuod namin, nagtaka ako hindi naman mahilig sa ganitong palabas ito a' pero dahil yun ang pinanood niya nag enjoy na din ako habang kumakain ng pizza, minsan pinapainom niya ako ng shake na hawak niya', kaya yung akin hindi ko halos magalaw, "honey" tawag niya sa akin, hindi ako sumagot kasi alam ko naman na magsasalita ulit siya, "Paano Kung hindi masuklian ni kuya ang nararamdaman mo sa kanya?" tanong niya sa akin, nagulat ako kasi ngayon lang siya nagsalita ng ganoon tungkol sa feelings ko kay kuya albert, "hindi ko pa alam kung ano mararamdaman ko' Basta ang sa akin gusto ko siya" yun ang naisagot ko sa kanya, dahil nakasandal ako sa balikat niya' naramdaman ko ang pagbuntong hininga niya ng malalim, "Ikaw aldrin may nagugustuhan ka na ba?" tanong ko sa kanya, "yes" matipid na sagot niya', napatingala ako sa kanya na hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha niya dahil nakatingin siya sa tv, parang may kumurot sa puso ko, ibig sabihin merun pinagtutuunan ng pansin si aldrin bukod sa akin, nalungkot ako sa bagay na yun, dahil nasanay ako na lagi siyang nasa tabi ko, nasanay ako sa sitwasyon namin ngayon, tinanong ko ulit siya, "girlfriend mo na ba siya?" "hindi! uumpisahan ko pa langng agawin siya!!" ****************************************** sorry po kung natagalan ito.. nafocus po kasi ako sa mga anak nila albert at Ashly. pero tatapusin ko na po ito.. salamat po tangkilikin din po Sana ninyo ang mga kwento ng mga anak nila Albert. maganda po siya para lang po kayo nanunuod ng teleserye.. yung nga lang nagbabasa po.. happy reading
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD