bc

Slave For You

book_age0+
6.6K
FOLLOW
30.6K
READ
love-triangle
possessive
second chance
comedy
sweet
gxg
bisexual
like
intro-logo
Blurb

Papano kung iniwan ka bigla ng Mama mo sa matalik nyang kaibigan? Tapos sinabi nya sayo na wag na wag kang aalis don dahil dun ka nya babalikan? Sabi naman nung mag-asawang kukupkop sayo, wala ka naman daw kailangang alalahanin dahil pwede ka daw tumira sa kanila ng LIBRE.

Huh? LIBRE? Uso pa ba yun sa panahon ngayon? At dahil mataas ang pride ko, hindi ako pumayag. Ang sabi ko sa kanila, pwede ko naman akong magtrabaho sa company nila dahil nakatapos din naman ako ng pag-aaral.

Kaso sabi nila, wala daw bakanteng posisyon sa company nila. Pero kung gusto ko daw talaga ng trabaho, pwede daw nila kong gawing assistant ng anak nila. Wala daw kasing tumatagal na PA don kase masyado daw mataray at pasaway.

Okay na sana eh, kaya lang, nung makilala ko yung anak nila, biglang bumalik sakin lahat ng nangyari nung isang taon. Bakit kailangang itong babaeng to yung pagsilbihan ko? Bakit yung taong inidolo ko noon pero ipinahiya lang ako sa harap ng maraming tao?! Yung taong naging dahilan kung bakit ako iniwan nung boyfriend ko na mahal na mahal ko!

Nah, ayoko! Hindi ako papayag. Hindi papayag ang isang Julie Concepcion na magpaalipin sa maarte, matapobre, mataray, suplada, at walang modong si Danielle San Jose.

At ang kapal ng mukha nyang tawagin akong 'SLAVE' ha! Makikita nya, gaganti ako sa lahat ng ginawa nya sakin.

chap-preview
Free preview
Prologue
JULIE 1 year ago.. “Hey, bat ka nandito?” takang tanong ni Belle sakin. “Malamang team captain nyo ko, alangan namang pabayaan ko kayo” nakangiting sabi ko sa kanya. “Pero diba anniversary nyo ngayon ni Marky? At pinagpaalam ka na nya kay coach.” “Yeah pero ok lang naman siguro sa kanya kung sa ibang araw na lang namin icecelebrate yung anniversary namin” sabay pakawala ng pilit na ngiti. Ang totoo nyan, bago ko pumunta dito sa school, nagsagutan muna kami sa phone. Hindi nya kasi maintindihan kung bakit kailangan kong maglaro ngayon. Matagal daw kasi nyang pinlano tong anniversary na to pero bigla ko na lang daw kinansel. Sabi pa nya, kung hindi daw ako pumayag noon, hindi naman daw nya itutuloy. Kaya nagulat sya kung bakit bigla na lang nagbago yung isip ko. “Sure ka friend? Nakausap ko kasi sya the other day at excited na excited sya para sa date nyo” “Ano ba, ok lang talaga, pwede pa naman naming ire-sched yun eh” Nagulat ako nang biglang may humila sakin. Paglingon ko, si Krissa, yung bestfriend ko. “Hoy ikaw babae, halika nga dito! Diba pumayag ka dun sa anniversary date na yon. Kasama pa nga tayo nung pinagpaalam ka nya kay coach diba? At tuwang-tuwa ka pa non! Sabihin mo nga sakin, kaya ba nagbago yung isip mo eh dahil----“ Napatigil sya sa pagsasalita dahil biglang nagsigawan lahat ng tao dito sa court. Dumating na pala yung team na makakalaban namin. Biglang naglikot yung mga mata ko para hanapin yung taong kanina ko pa gustong makita. Napangiti ako nang makita ko syang naglalakad papalapit samin kasabay ng mga teammates nya. Pero syempre, hindi sya nakatingin sakin dahil sino lang ba ako? Isang hamak na fan lang nya. “So tama nga ako?” bulong sakin ni Krissa. “Huh?” painosenteng tanong ko. “Na si Danielle San Jose yung dahilan kung bakit bigla mong kinansel yung date nyo ng boyfriend mo” Nag-iwas naman agad ako ng tingin sa kanya. “Sus, wag ka nga! Di no! Gusto ko lang talagang manalo yung team natin” “Asus, wag ka nga! Alam ko kung gaano mo sinasamba yang babaeng yan! Pero hindi ako makapaniwala na kaya mong ipagpalit si Marky sa kanya.” Natatawa ko naman syang hinampas dahil sa sinabi nya. “Wag ka nga dyan! Parang pinapalabas mo naman na natotomboy ako sa kanya!” “Bakit hindi ba?” “Sis, sa ganda kong to, matotomboy ako sa isang Danielle San Jose?! No way! As in never!!” natatawang sabi ko sa kanya. Nagulat ako dahil biglang nanlaki yung mata nya at ngumuso sa likod ko. Shet! Napalakas ba masyado yung boses ko? Halos nanginginig ako sa kaba at takot na humarap sa likod ko. Sana hindi sya, sana hindi sya, sana.. Pero paglingon ko, nakangiting mukha nya yung nabungaran ko. Pero ibang klaseng ngiti, yung nakakatakot, yung alam mong may hindi magandang binabalak. “So are you sure, hindi ka matotomboy sakin? Kahit gawin ko pa to?” At nanlaki yung mata ko ng bigla nya kong halikan sa harap ng maraming tao. At ang hindi ko maintindihan ay kung bakit parang may sariling buhay yung mga labi ko na tumugon sa mga halik nya. Gosh Julie, anong nangyayari sayo? Halos habol ko yung paghinga ko nang maghiwalay yung mga labi namin. Noon lang ako biglang natauhan na nandito kami sa loob ng court at nakita ng lahat ng tao dito yung ginawa naming dalawa. Napayuko lang ako habang pulang-pula yung mukha! God Julie, ano yun? Anong nangyari don? Bat ka pumayag? “See guys?! May gusto nga sakin yung team captain ng volleyball team nyo.” Narinig kong sabi ni Danielle. “Pero sorry ha, kung ano man yung name mo, wala kang pag-asa sakin, I’m not into girls kasi eh. And kung magkakagusto man ako sa babae, hindi yung tipo mo. ” Pahabol pa nya na pang-aasar sakin habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko na napigilan yung sarili ko kaya tumakbo na lang ako palabas ng court habang umiiyak. Ang tanga-tanga mo Julie! Ang tanga mo! Napatigil ako sa pagtakbo nang may mapansing tao sa harapan ko. At halos manigas ako nang makita ko si Marky sa harap ko na nakatingin lang sakin. Pero nakita ko sa mata nya ang magkahalong galit, sakit, at pandidiri. Don’t tell me nakita nya yung nangyari? Oh no! “So kaya mo pala kinansel yung plano natin dahil lang gusto mong makipaglandian sa Danielle na yon?!” galit na sabi nya. “No, it’s not what you think baby” umiiyak na sabi ko sa kanya. “Hindi ako tanga at hindi ako bulag para hindi maintindihan yung nakita ko!!” “Baby please, listen to me—“ “No! Tapusin na natin to. Happy anniversary na lang sayo! At wag na wag ka nang aasa na babalikan pa kita!” yun lang at tumalikod na sya sakin. Halos napako naman ako sa kinatatayuan ko kaya kahit gustuhin ko man syang habulin, nanghihinang napaupo na lang sa damuhan. Bakit? Bakit kailangang mangyari sakin to? Galit na pinahid ko yung mga luha ko. Kasalanan mo tong lahat Danielle San Jose! I hate you! I hate you so much!!!!!!!!!!!!!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Night With My Professor

read
495.8K
bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
186.8K
bc

The Professor's Wife

read
449.2K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
241.5K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.5K
bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

read
325.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook