bc

The Beginning Of Us

book_age16+
6.9K
FOLLOW
50.4K
READ
love-triangle
friends to lovers
independent
brave
drama
bxg
enimies to lovers
supernatural
poor to rich
like
intro-logo
Blurb

Ninanais mo lang naman ang tahimik at payapang pamumuhay,

Simpleng estudyante lang, hindi yung lagi na lang pinapansin dahil sa pagiging loner.

Paano kung sa paglipat mo ng school ay mas naging malala pa ang kinahantungan sa dati mong pinapasukan?.

Naging Center of attraction ka dahil sa video na kumalat sa buong campus, kumbaga para kang naging instant celebrity, syempre may mga humanga pero mas marami ang nainis, at sa isang insidente na iyon nagkagulo-gulo lahat.

Ang tahimik na buhay estudyante na pinapangarap mo ay magbabago dahil sa kakaibang grupo na makikilala mo.

Ang kakaibang grupo na matutuklasan mo na may kakaibang kayang gawin na magiging parte ng buhay mo.

Ang grupo na magiging kaibigan mo na matutuklasan ang pagkatao mo at sila ang magpapabago ng buhay mo.

–•–

All character, Organization, Places, and happenings in this story are all fake and are not based on true story.

This is my OWN CREATED STORY

PLAGIARISM IS A CRIME.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 - The Beginning Of Us
• ETHAN POV • "Asaan na kayo?" " Andito na ako, Oo... Sa tambayan, antayin ko kayo!! Dalian niyo masasapak ko na naman kayo!" pinatay ko na agad ang phone ko, kahit kailan talaga ang babagal magsipag kilos, akala mo mga babae!! Andito nga pala ako sa mall. Nag aya kasi sila, pero ako pa yung nauna sa kanila! "Tol!!!" Napalingon ako sa tumapik sa balikat ko. "Ngayon lang kayo! Inip na ko! Kahit kailan talaga mga makukupad pa din kayo!!" Inis na sabi ko sa kanila. "Sorry na babe! Traffic eh!" Paglalambing ni Lester na may pag angkla pa sa braso ko! Anong trip na naman nito. "Tatanggalin mo yang kamay mo o tutustahin ko yan?" "To naman oh! Na miss lang kita!" Kadiri ka Lester. "G*go! Tara na nga mag arcade na lang tayo." Nag tungo na kami sa 5th floor, doon kasi ang arcade .. Teka nga mag papakilala muna ko sa inyo. Hello. I'm Ethan Chaze Del Gado is my name. 18 years of age .. At yung dalawang mokong na kasama ko ay si Lester Del Valle at Ranz Gomez. Same age kaming tatlo. "Ayan na pala si Celine eh." Nilapitan ni Ranz si Celine at sabay halik sa pisngi. Mag jowa kasi yan. Wag na kayong umasa!' Yari kayo kay Celine "Napakatagal niyo!! Kanina pa ko dito eh! Nakakainis yung mga lalaking lumalapit sa akin!" Inis na sabi ni Celine kay Ranz. "Asaan yang mga yan?? Babangasan ko!!" "Wala na! nabangasan ko na! ang tagal niyo kasi eh" Pumasok na kami sa arcade at nag load ng card namin.. Naglalaro lang kaming dalawa ni Lester kung ano-ano na lang nilalaro namin, minsan nan titrip na lang kami sa mga naglalaro,aasan na ba yong mga yon? ahhh ayon pala, yung dalawang mag jowa ay nasa Dance Revo. Nilapitan namin sila at pinanood, may mga nanonood na din na iba, tapos yung mga dumadaan lang napapatigil, nagpustahan na naman siguro tong dalawa na to! Ayaw patalo sa isat'isa eh "*Paaaakkkk!!*" Napatigil kami ni Lester sa narinig namin kaya na palingon kami ng sabay, hindi lang pala kami, kasi halos ng tao na andito, tapos nagsilapitan pa sila sa pangyayari, may sinampal kasi na babae. Dami agad usisero at usisera, TSK!! hoy di ako gaya nila ah!, no choice lang ako kasi hinila ako ng mokong na kasama ko. "Mukang Love triangle ah!" Sabi ni Ranz. Tinignan ko yung babaeng sinampal, nakahawak lang siya sa pisngi niya at pinipigilan wag umiyak sa harap ng dalawa. Strong si ate ah! "Sorry ka na lang! Hindi ka niya mahal!! Ako ang mahal niya." Mataray na sabi ng babaeng sumampal dito. Halatang haliparot, Opps!!! sorry! my bad! si Celine kasi kung ano-ano na tuloy mga natututunan ko sa mga sinasabi ko. "Hindi totoo yan! Di ba Kian?? Sabihin mo hindi totoo yang sinasabi niya diba? mahal mo ko di ba?" Tinignan lang siya ng lalaki, inaantay na magsalita. Nakakainis yung pag mumukha eh! parang yung mga tambay sa kanto na feeling gwapo kasi pinag aagawan! dahil manloloko! "Wag kang mag bulag-bulagan Leigh! Matagal na kami! At matagal ka na din niyang niloloko, hindi ka naman talaga mahal ni Kian eh!" so Leigh pala ang name niya. "Sorry Leigh" tumingin yung Leigh sa lalaki. "Bakit ganito Kian? bakit mo to ginawa sa akin??? Anong kasalanan ko sayo?" Di na niya na pigilan ang mga luha niya kaya kusa na itong pumatak. Pinunasan niya agad ito at lumapit sa lalaki sabay yakap, hihilahin sana ng babae ito kaya lang pinigilan siya ng lalaki. "Let's break up Leigh. Mahal ko talaga si Jane. Sorry". Rinig kong sabi nung asungot na lalake. Hindi nagsasalita si Leigh, nakaakap lang eto. "Para sayo.... Ok lang akong masaktan, tutal puro sakit lang naman ang naidulot ko sayo sa tuwing magkasama tayo." Pabulong na sabi nito. "Leigh??" "Pero ikaw??? Yung love na gusto mo?? Ipagdadasal ko yon.. You need to meet someone better than me and be happy." Kumalas si Leigh sabay ngiti sa kanya. • 3rd PERSON POV • Bago pa man umalis si Leigh sa harap nila, may isang lalaki na lumapit sa kanya at niyakap ito. "Wag kang magsasalita!" Bulong ng lalaki kay Leigh. "Andito ka lang pala, kanina ka pa namin hinahanap eh." Nagtataka man si Leigh pero hindi na lang ito umangal, napansin kasi niya na ang dami na pa lang taong nanonood sa kanila.. "Sino ka?" Tinanggal ni Kian yung kamay ng lalaking yumakap kay Leigh. "Ako? .. I'm her boyfriend.. nice to meet you." Inilahad niya ang kamay niya para makipag shake hands pero di nito tinanggap kaya inakbay niya na lang ito sa balikat ni Leigh. "Leigh?? Ano to?" Nagtatakang tanong ni Kian. " I don't kn---" di pa niya natatapos ang sasabihin niya ng magsalita na naman yung lalaki. "Wala na kayo diba? So today is our first day. Let's go Hon? Sabi mo gutom ka na di ba? Saan mo gustong kumain?" Magpapaliwanag pa sana siya kay Kian kaya lang hinila na siya ng lalaking na ka akbay sa kanya at sumunod naman ang mga kasama nito sa kanilang dalawa. Nag tataka man ay pinabayaan na lang niya ito. Sa isip-isip niya ay mas Ok na din ang makaalis sa harap ng Ex niya at ng Girlfriend nito.. • CELINE POV • "Ethan, may utang kang dare sa akin diba?" Biglang sabi ko dito. May naisip kasi ako bigla, naawa ako don sa Leigh. Ayaw na ayaw kong may nakikitang ganyan eksena, lalo na kapag Cheating ang pinag uusapan. "Ano na naman yan Celine?" Pagrereklamo agad niya. "Rescue her! Kawawa naman eh." Napatingin kami kay Leigh na nakayakap sa boyfriend niyang cheater! Napansin kong nagpipigil lang si Ethan doon sa lalaki, If i know Ethan! Ayaw din niya kasi makakita ng mga gantong eksena. Biglang napatingin sa akin si Ethan, matapos ang huling salita ni Leigh sa Boyfriend niya. Narinig din siguro niya iyon. Nagulat na lang kami ng biglang lumapit si Ethan sa kanilang dalawa. "Di ko akalaing siseryosohin niya yung dare mo hahaha." sabi ni Ranz. "Ako na sana gagawa eh!" Napalingon kaming dalawa kay Lester.. "O? Titingin niyo??" Nginisian na lang namin siya.. • ETHAN POV • "Para sayo.... Ok lang akong masaktan, tutal puro sakit lang naman ang naidulot ko sayo sa tuwing magkasama tayo." bulong lang ito pero rinig na rinig ko "Pero ikaw?? Yung love na gusto mo?? Ipagdadasal ko iyon.. You need to meet someone better than me and be happy." Hindi ko alam pero ako yung nasasaktan para sa kanya. Namalayan ko na lang ang sarili ko na pumunta sa kanya at niyakap siya. "Wag kang magsasalita!" Bulong ko agad sa kanya. Nako kung wala lang talaga akong utang na dare kay Celine di ko gagawin to eh, iyon lang yon no! "Andito ka lang pala, kanina ka pa namin hinahanap eh." ramdam kong nilibot niya ang paningin niya, kaya siguro di na lang nag react. Sobrang dami na din kasing tao talaga. "Sino ka?" Tsk!!. niloko mo tapos mag tatanong-tanong ka! Sapakin kita jan eh yung malutong! "Ako? .. I'm her boyfriend.. nice to meet you." Inilahad ko yung kamay ko para makipag shake hands pero di niya tinanggap kaya inakbay ko na lang dito kay Leigh? .. iyon ang tawag nila eh, edi Leigh na din ang itatawag ko. Di naman siya umagal, syempre gwapo ko kaya! Tinignan ko yung boyfriend niya, nanlilisik ang mata, Tsk!! Tapos ngayon nagseselos ka!! Pasabugin kita jan eh! "Leigh?? Ano to?" Nagtatakang tanong ng ex niya. Makatanong kala mo ang linis eh, sunugin ko na kaya to. " I don't kn---" "Wala na kayo diba? So today is our first day. Let's go Hon? Sabi mo gutom kana diba? San mo gustong kumain?" Inunahan ko na siya, magpapaliwanag pa eh, Marupok din! hinila ko na siya para matapos na tong dare na to. HON?? Wala akong maisip basta na lang lumabas sa bibig ko. Nang naka layo-layo na kami ay siya na mismo nagtanggal ng kamay ko sa balikat nya. tsk! if i know gustong-gusto naman niya, kunyari lang to eh pero kinikilig din naman sa akin, sa gwapo kong to sinong di kikiligin? hahaha. Sinundan lang namin sila Celine kung saan pupunta, at dito na nga ang favorito ni lang kainan. "Ano gagawin natin dito?" Tanong ko agad sa kanila. "Mag swiswimming tayo dito Ethan! Peste ka! ano bang ginagawa dito? Edi kakain" Iritang sabi ni Celine. Nagtatanong lang eh, kahit kelan talaga laging highblood to! "Hahahaha" Tawa nila Ranz at Lester, kaya sinamaan ko silang dalawa. "Ok ka lang ba?" Tanong ni Lester sabay lapit kay Leigh. Tumango naman eto. "Ano gusto mo kainin?" "Busog pa ko eh, Pwede bang mauna na ko?" Pagtanggi niya kay Lester. "Kumain ka muna, Tignan mo sarili mo oh! baka paglabas mo jan bigla ka na lang mahimatay." Inis na sabi ko. Di naman siya kumibo at yumuko na lang. "Ako na mag oorder, kahit ano naman kinakain mo no? wala ka naman allergies?" Tanong ni Celine. "Uhhmm" Tango lang ang naisagot. Tsk! wala ba tong bibig. Nang dumating ang order ay nag sipag kainan na kami, lahat kami nakatingin lang kay leigh, hindi niya kasi ginagalaw yung pagkain niya. "Ayaw mo ba ng pagkain mo?" tanong ni Lester. Natauhan naman siya, nagulat ata. "Ahhh, hindi, may iniisip lang, salamat dito ah, pero ang dami naman nito, di ko mauubos to lahat." "Sige ok lang, kainin mo na lang kung hanggang saan kaya mo." "Salamat." pagkasabi niya nun ay nag umpisa na siyang kumain. Yung kumakain siya pero yung isip niya nasa ibang planeta, iniisip na naman niya siguro yung mokong niyang ex. "Tara libot muna tayo, Leigh sama ka muna sa amin" Aya ni Celine pagkalabas namin sa restaurant. Di naman na ka angal eto kaya nagpahila na lang siya. Wala kaming magawa mga lalaki kaya nag mukha na kaming bodyguard ng dalawang babae na to!. Ang gwapo ko namang bodyguard! "Leigh." napahinto kami ng may humarang sa harapan namin. "Ano na naman kailangan mo kay Leigh?" Inis na sabi ni Celine doon sa ex niya, sabay harang niya kay Leigh, hahawakan na kasi sana siya ng ex niya kaya inilayo siya ni Celine, hindi ko alam pero automatic na hinila ko agad siya palapit sa akin kaya nagulat siya at nagkatitigan kami. "May sasabihin lang ako wag kayong humarang." Maangas at pa sigaw na sabi nito kay Celine. "Wag mong sigawan girlfriend ko kung ayaw mong mabangasan!." Ayan na si Ranz the over protective boyfriend. "Nakipag break kana diba? niloko mo siya, pwede ba tantanan mo na siya." inis na sabi ni Celine "Say it here!" bumitaw si Leigh sa pagkaka hawak ko sa kamay niya at lumapit sa kanila. "Wag dito." angal ni mokong. "Then forget it." sabay talikod ni Leigh, mag lalakad na sana siya papunta sa akin ng hinila siya ng ex niya kaya nataranta ako, biglang nag init yung buong katawan ko at mabilis na lumapit sa kanila at sinuntok ko siya. "T*NG*NA!! ANO BANG PROBLEMA MO!" "IKAW! ANONG PROBLEMA MO!!! BAKIT KAILANGAN MONG HILAHIN YUNG GIRLFRIEND KO!" "MAG UUSAP LANG KAMI." "THEN GO!! MAG USAP KAYO DITO! IYON ANG SABI NYA DIBA". Magrarambulan na sana ulit kami ng pumagitna si Leigh. "Tama na please!" mahinahon na sabi niya. Hinawakan niya yung kamay ko at itinago niya ko sa likod niya. Ano ka ngayon ha!! Magselos kang mokong ka. Hoy puso anong nang yayari sayo jan kalma hoy! "Kian, umalis kana please, wala na tayong dapat pag-usapan, niloko mo ko, mas pinili mo siya diba?, kaya please pakawalan mo na din ako. Nakikiusap ako sayo, kung pinahahalagahan mo talaga yung pinagsamahan natin. Please kian, ayoko pa kitang makita eh. " malumanay na sabi nito habang pinipigilan niyang hindi umiyak. "Teka lang Leigh." Hindi na siya pinansin ni Leigh at umalis na, kaya sumunod kami sa kanya. Hawak niya kamay ko remember? "Teka lang san ka pupunta?" "Uuwi na" "Teka lang sab---" Di ko na natuloy yung sasabihin ko kasi bigla siyang humarap. "Hindi mo siya dapat sinaktan" "Eh makul---" "Kahit na. At tsaka hindi ko gusto yung pag akbay mo at hindi ako kinikilig OK! hindi ko din gusto yung ginawa mo, pero thank you pa din, alam kong walang libre sa mundong ito, pero pwede bang sa susunod na pagkikita na lang natin ko ibibigay yung kapalit na ginawa mo? gusto ko na kasing umuwi eh." Malungkot na sabi niya "Teka lang!!! Paano mo nalaman yun? sa isip ko lang yun sinabi kanina ah?" pigil ko sa kanya, nagtataka kasi ako paano niya nalaman yon? "Ang dali kasing basahin ng mukha mo sir." Pagkasabi niya nun ay tumalikod na siya at lumabas ng mall, wala na kaming nagawa kundi ang tanawin siya hanggang sa di na namin siya makita. Kakaibang babae. Sana magkita pa nga tayo. — Don't forget to Heart or Follow my stories. Thank you :)

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.7K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

The Cold Husband-SPG

read
4.7M
bc

NINONG II

read
618.1K
bc

NINONG III

read
362.6K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

My Nerd Ex-Wife(Tagalog)

read
9.6M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook