Chapter Fifty-six Dimas "Sobrang laki naman pala ng bahay mo, Dimas." Hindi mapuknat-puknat ang ngiti ng babae habang iginagala ang tingin sa paligid. Ipinahanap ko na si Luna pero wala pang magandang balita sa mga tauhan ko. Wala silang nakita sa mga terminal, wala ring umuwing Luna sa kanilang bahay. Ngayon ay si Verry na lang ang alas ko para makabalik si Luna sa akin. "Come here, Verry." Ibinuka ko pa ang mga kamay para humingi nang yakap dito. Agad naman itong kumilos para lumapit at mahigpit na yumakap sa akin. "Sinabi mo na ba kay Luna na pupunta ako rito?" malambing na ani ng babae. Bumaba ang palad ko't pumisil sa pang-upo nito. Napahagikhik ito dahil sa ginawa ko. "Wala siya rito, Verry." Bahagya siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin. Pero nanatili sa balikat ko ang ka

