CHAPTER 3

1921 Words
CHAPTER 3 Anicah Travis’ POV “Hoy Anicah! Gising na! Maglilinis tayo ng pool ngayon dahil gagamitin ‘yun ni Mister Calter mamaya!” Napabalikwas ako ng bangon ‘nung marinig ko ang nakakabinging sigaw ni Eren sabay yugyog ng katawan ko. “Anicah mag-ayos ka na at hihintayin kita ‘dun sa likod ng mansion!” Dagdag niya at naramdaman kong naglakad na siya palabas ng kwarto ko sabay sara ng pinto. Unti unti naman akong bumangon sabay hikab at tinignan ang heart shaped wall clock dito sa ibabaw ng cabinet sa bandang harapan ng kama ko. Alas syete na pala kaya agad akong bumangon sabay lakad papuntang banyo dito sa kwarto at nang makarating na sa loob, agad kong hinubad ang suot kong pantulog na pajama at sando bago nag tungo sa shower. Pilit kong inaalis sa isip ko ang nangyari kagabi, pilit kong umaaktong walang nangyari dahil hanggang ngayon sumasagi parin sa isip ko ang sinabi sa ‘kin ni Damion. “If you’re still virgin, then I will own you, Anicah. I’m a monster and you’re my prey.” “If you’re still virgin, then I will own you, Anicah. I’m a monster and you’re my prey.” “If you’re still virgin, then I will own you, Anicah. I’m a monster and you’re my prey.” Napabuntong hininga ako ‘nung maalala ko na naman ang sinabi niya sakin bago ko nilisan ang silid niya kagabi. Ibigsabihin, mauulit at mauulit ang nangyari kaya iiwasan ko nalang siya hangga’t maaari. Hindi ko magawang lisanin ang mansion na ‘to dahil kahit isang taon lang kami nagsama sa isang bubong, alam na alam ko ang ugali niya. May masamang mangyayari pag sinuway ko ang utos niya, may posibilidad na hindi lang ako ang mapapahamak, kundi, ang pamilya ko rin. Huminga nalang ako ng malalim sabay bukas ng shower para makaligo na, pagkatapos ko dito. Iiwasan ko nalang siya, gagawin ko ng maayos ang trabaho ko dahil para ‘to sa pamilya ko. Iniisip ko ang paghihirap nina papa at mama kaya ‘yun ang inspirasyon ko para pagtiisan ang iba’t ibang uri ng trabaho. Namasukan ako bilang waitress, dishwasher, janitress, babysitter, at kung anu-ano pang trabaho basta magkapera lang. Pero syempre sa malinis na paraan nanggagaling ang pera dahil sabi ng papa ko, pag malinis ang hangarin mo, malinis din ang perang matatanggap mo. MAKALIPAS ang ilang minutong paliligo, tinungo ko naman ang cabinet ko para kumuha ng damit. Wala naman akong reserbang uniporme kaya kukunsultahin ko nalang si Tita Fe para makahingi uli kahit hindi ko alam kung ano ang irarason ko, hindi ko naman pwedeng sabihing pinunit ‘yun ng may-ari ng mansion. Hindi ko gustong magkaroon ng issue, lalo na’t kilalang mayamang businessman si Damion. Kapag nakita nila ang kagaya ng pangyayari kagabi, siguradong napakalaking gulo. Hindi ko gustong madawit dahil isa lang akong katulong. Dinampot ko nalang ang tokong na plain black at fitted dirty white na t-shirt pero may kupas na disenyong rosas na nasa dibdib banda. Ayos lang ‘pag ito ang isusuot ko muna dahil hindi naman ako aalis, pero kailangang kong humingi ng uniporme dahil isa ‘yun sa pinakaimportante dito. MATAPOS magbihis, itinirintas ko uli ang hanggang pwetan kong brownish straight na buhok para hindi makasagabal sa magiging galaw ko. Nagmadali na akong bumaba papuntang likod ng mansion para makapaglinis na ng swimming pool. May mini forest kasi sa likod ng pool kaya hindi maiiwasang magsiliparan ang mga tuyong dahon sa diamond shaped swimming pool. “Oy nandyan ka na pala—Hala bakit ganyan ang suot mo! Wala tayo sa bahay Anicah kaya suotin mo na ang uniform natin!” Suway ni Eren habang kumukuha ng tuyong dahon gamit ang net na nakalagay sa mahabang stick. “K-Kasi ano… aksidenteng nasunog dahil naiwan ko ang plantsa habang nagsusuklay ako kanina kaya mamaya hihingi uli ako kay Tita Fe.” Saad ko sabay dampot ng net na nakasandal lang sa pader ng mansion. “’Wag kang magalala, pagkatapos natin dito hihingi ako agad.” Dagdag ko sabay lakad sa kinaroroonan ng pool at nagsimula ng manguha ng tuyong dahon. “Naku, dapat lang Anicah dahil kailangang presentable tayo sa paningin ni Mister Calter. Alam mo naman ang mayayaman, dapat magaganda ang nasa paningin nila. Pero mabuti ka pa nga dahil kahit ganyan lang ang suotin mo, ang ganda mo parin. Hindi ka nga halatang katulong dito dahil pangmayaman ang mala anghel mong mukha.” Napailing nalang ako sa sinabi ni Eren habang patuloy parin ako sa pangunguha ng kung anong mahuli ng net sa kulay asul na tubig. ‘Yan ‘din ang naririnig ko mula sa ibang tao, kaya sinasabi nila hindi ko deserve ang mababang trabaho. Pero hindi naman mababase sa mukha para makakapagtrabaho ka ng pampropesyonal. Kailangan parin ang diploma, para makapaghanap ng disenteng trabaho gamit ang natutunan mo. Dahil sa naghirap kami, wala naman akong ibang choice kundi pasukin ang iba’t ibang uri ng trabaho. Maliban nalang sa mga nag-ooffer sa ‘kin para magbenta ng katawan dahil ‘yun daw ang pinakamabilis na pera pero alam naman nating lahat na nakakadungis ‘yun ng dignidad at pagkababae kaya mas pipiliin ko nalang na mahirapan kaysa bababa ang tingin sakin ng mga magulang ko. “Pero ‘san ka pala kagabi Anicah? Kumakatok ako sa kwarto mo hindi ka nasagot kaya napag-isipan kong buksan at binuksan ko na lang pero hindi kita nadatnan sa loob. ‘San ka nagpunta kagabi? Bawal lumabas sa ‘Maid’s Room’ natin pag patak ng alas nuebe ng gabi, maliban nalang kung may importanteng iniutos sa ‘tin.” Paliwanag sakin ni Eren kaya huminga ako ng malalim dahil magsisinungaling na naman ako, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya ang tungkol sa ‘min ni Damion dahil kakakilala ko pa lamang sa kaniya. Siguro sa tamang panahon na lang. “M-May iniutos lang sakin si Mister Damion sandali kaya wala ako sa silid ko kagabi.” Depensa ko sabay baling sa kaniya ng tingin na seryosong kumukuha ng tuyong dahon sa tubig ng pool. “Babe... the pool is not ready yet.” Awtomatiko akong napatingin sa daan patungo dito sa pool ‘nung may narinig akong boses babae at parang nakaramdam ako ng literal na pagkamanhid sa dibdib ‘nung makita kong may nakadikit kay Damion na naka purple two piece na babae. Umiwas agad ako ng tingin ‘nung napatingin siya sa kinaroroonan ko na naka-swimming trunks lang siya. Baka kung anu-ano na naman ang sasabihin sakin dahil nasa ugali niyang binabantayan ang reaksyon ko. “You can now leave here.” Saad niya sa malalim na boses kaya hininto na namin ni Eren ang pangunguha ng tuyong  dahon at naglakad na kami para lisanin ang lugar na ‘to. Habang papalapit kami sa kinaroroonan ni Damion at ng babaeng kasama niya, tinungo na nila ang  maliit na cottage na may upuan at mesa sa gilid ng pool. Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa babae na bagay na bagay ang suot niyang two piece sa maporselana niyang balat. Kumirot naman bahagya ang puso ko ‘nung makita kong nakangiti sa kaniya si Damion na hindi niya nagawa sa ‘kin kahit nagsama kami sa isang bubong. Lahat ng natanggap ko ay puro pananakit na pisikal at emosyonal, siguro isa lang sa nakakapagpasaya sa akin ‘nung nagsama kami ay kung kinakain niya ang mga niluluto ko kahit wala siyang sinasabi kahit ano. Pinipilit kong maalala ang pinagsamahan namin dahil halos lahat puro paghihirap. Hindi ko mabatid ang nasa isip niya dahil hindi niya gustong umalis ako dito sa mansion, pag ginawa ko naman siguradong manganganib ang buhay ko. Kumawala ako ng buntong hininga at itinuon na nalang ang pansin sa mga susunod kong gawain dito sa loob ng mansion. “Anicah, gawan mo kami ng maiinom.” Maatowridad niyang sabi sakin kaya nagbuntong hininga nanaman ako dahil bakit ako pa ang inutusan niya? Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad patungo sa malaking kusina na katabi ng magarang dining area dito sa ground floor para gawan nga sila ng maiinom. “Oh, dito ka na Anicah ha? May gagawin akong ibang gawain, magdidilig naman ako ng mga halaman sa harapan ng mansion.” Paalam ni Eren sabay iba ng direksyon habang pinagpapatuloy ko parin ang paglalakad patungo sa kusina. MAKALIPAS ang ilang minutong paghahanda, naglalakad na ako patungo sa swimming pool “Excuse me Miss Sexy, can you accompany me to Mister Damion Lucca Calter?” Nagulat akong may nagsalita sa likuran ko kaya napalingon naman ako kung sino ‘yun. Isang lalakeng nakapormal na suot na black tuxedo, napatingin naman ako ngayon sa mukha niyang nakaguhit ang isang kakaibang ngisi habang pinagmamasdan ako pababa pataas. “I’m Freed Thomas Miss Sexy.” Nakangising sabi niya sabay abot sakin ang kanan niyang kamay kaya hinawakan ko muna ng mabuti ang kapit kapit kong tray na may lamang apple juice na nakalagay sa mahabang baso para tanggapin ang kamay niya baka pagsasabihan ako dito ng bastos pag hindi ko ‘yun ginawa. “Anicah Travis Sir.” Sagot ko sabay tanggap ng kamay niya pero napakunot ang noo ko ng bigla niya lamang ito pinisil kaya binawi ko kaagad ‘yun. “T-This way sir.” Magalang na saad ko sabay talikod sa kaniya. Hindi agad ako komportable sa inasal ng lalakeng bagong dating na ‘to. “I see… what’s your business here?” Tanong niya habang malapit na ako sa kinaroroonan ng pool. “Maid sir.” Mabilis na sagot ko pero napasinghap akong bigla niya lang hinila ang braso ko kaya napaharap ako ngayon sa kaniya. “Maybe… you can work for me Miss Sexy…” Mahinang usal niya sa paos na boses habang nakatitig ng malagkit sa mga mata ko kaya marahan kong binawi ang braso ko sabay napaatras dahil ang lapit lapit ng mukha niya sa ‘kin. “Anicah.” Bumilis agad ang pintig ng puso ko ‘nung marinig ko na naman ang matigas na pagbigkas ng pangalan ko kagaya ng naririnig ko dati pag may natuklasan siyang hindi nagustuhan sa ‘kin. “That’s the reason why you’re late because you’re busy flirting with my friend? Did he ask you for a one-night stand?” Kagat labing napaatras ako , nag-uumpisa na naman si Damion pero napasinghap akong wala na pala akong aapakan at naramadaman ko na lang ang tubig na binagsakan ko. Rinig na rinig sa paligid ang pagbagsak ko sa tubig, nabitawan ko ang tray na hawak hawak ko kaya lumangoy ako papunta  sa kinaroroonan ng kapitan ng pool para makaahon agad. “Here, take my hand Miss Sexy.” Napatingin ako sa ibabaw ng pool at nakaluhod ‘yung Freed sabay offer sakin ng kamay niya. Agad kong tinanggap ‘yun para makaahon ako sa pool,  napatingin ako sa kinaroroonan ni Damion na nakatitig sa akin na walang emosyon sa mukha pero nanlamig ako ‘nung nakita kong nakakuyom ang mga kamao niya kahit nakakapit ang babae sa braso niya habang taas kilay na nakatitig sakin. “Nice… body….” Napasinghap ako sabay tingin sa katawan ko dahil sa narinig kong bulong ng Freed. Ang nipis pala ng suot kong t-shirt kaya dumikit ang basang tela sa katawan ko at agad kong tinakpan ‘yun dahil kitang kita ang kulay pula kong bra. Tumalikod agad ako at naglakad ng mabilis paalis ng pool dahil sobrang kahihiyan ‘tong nagawa ko! “Anicah, in my room. NOW.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD