NAGHIHIYAWAN na nga ang mga players na naninirahan sa Domain City matapos ang ginawa ng dalawa sa Pentagon na sina Theos at Grudge. Makikitang bumulagta na nga ang mga players na lumusob sa kanila habang nababawasan ang kanilang HP at ang player na may dilaw na buhok naman ay sigurado silang hindi ito nakatakas mula sa malakas na pagsabog na idinulot ng magic skill na pinakawalan dito kanina. Unti-unti na ngang napapayid ang usok na bumabalot sa ibaba at makikita nga sa ere si Grudge na seryosong pinagmamasdan ang pinsalang dinulot ng kanyang pinakawalang atake. Alam niyang buhay pa ang kanyang kalaban, at gusto niyang kapag nakita niya ito na nakabulagta ay doon na niya ito muling aatakehin. “Malakas ang skill mong iyon ah… Magic skill. Hmmm.” Isang boses na nga lang ang biglang nagsali