ILANG oras pa ang lumipas at malayo na nga rin ang narating nina Laxus sa paglalakad nila sa bundok Netral. Ngayon nga ay makikitang nasa kalagitnaan na sila nito at siguro’y pagsapit ng gabi ay pwedeng nalalapit na rin sila sa paanan nito. Ilang mga AIs na nga rin ang napabagsak nila sa bundok na ito at marami-rami na ring mga prutas at karne silang nakita rito na masaya nilang pinagsaluhan. Dahil sa nangyari sa laban nila mula kina Grate ay parang naging lalong malapit nga ang mga kasama ni Laxus sa kanya. Ang problema nga lang ay ayaw ito ng binata, kaya nga pasimple na lang siyang lumalayo sa mga ito na sinasabayan naman ni Lisa ng pang-aasar kaya ang nangyayari ay siya ang nahihiya sa mga kasama niya. Akala niya, matapos marinig ng mga ito ang mga sinabi ni Grate ay magbabago na ang