SINABI nga rin ni Sora ang mga levels ng weapons ng mga nakita nilang players at doon na nga napalunok ng laway ang karamihan sa mga kasamahan ni Laxus. Kung ikukumpara ang levels na mayroon ang mga sandata nila ay napakataas ng level gap na mayroon ang mga iyon. Isa rin sa naisip nila ay paano pa raw kaya kapag nakarating na sila sa Domain City? Malaki ang tsansa na wala silang magawa kung sakali man na may biglang mangursunada sa kanila na ganoon kalalakas. “Sa palagay ko, ang average levels ng weapons ng mga malalakas na players dito ay nasa Level 10 pataas na. May hula rin ako na baka ang mga nasa Domain City naman ay ang average levels ng weapons ng mga naninirahan at tumitigil doon ay nasa level 15…” sabi pa ni Sora at ito ang nagpakuyom sa kamao ni Laxus. Kahit pa sabihing malakas