Kabanata 3
Pagod kong isinandal ang likod ko sa swivel chair. I rested the back of my neck against it and close my eyes. I just got out from a two hour nonstop meeting. Sa loob pa lang ng conference meeting kanina ay ramdam ko na ang pagbagsak ng talukap ko. I'm just thankful that it's already done and I can finally go home.
Three knocks from the outside made me unlock my eyes.
"Come in." tamad na sagot ko.
Iniluwa ng pintuan ang sekretarya ko. Tipid siyang ngumiti sa akin at naglakad palapit sa table ko. She placed a folder above it.
"Ma'am, this folder contains the proposal of Mr. Legaspi." she announced.
"Iwan mo na lang diyan, Mae. I'll just read it tomorrow. You can go home now."
"Okay po, Ma'am. Kayo po? Mukhang uulan po."
I looked sideways where I can see the views outside through the transparent wall. Agad dumapo ang mga mata ko sa madilim na kalangitan. Ang kanina ay kulay kahel na ulap ay napalitan na ng abo. Huminga ako ng malalim at bumaling kay Mae.
"Uuwi na rin ako. Sige na, mag-ingat ka."
Tumango siya. "Okay, po."
As soon as she went out of my office, I started fixing my things and readied myself to leave the building. Hindi ko gusto ang ideya na baka abutan ako ng ulan. Heavy rain means heavy traffic, too. This is not the right time to stuck myself in a road traffic. Not now that I'm exhausted.
Wala pang kalahating oras ay nasa kalagitnaan na ako ng daan pauwi sa bahay namin. Matindi na ang dilim ng langit at para bang kaunting minuto pa ay babagsak na ito para magbuhos ng matinding ulan sa kalupaan.
Luckily, there's no heavy traffic along the road. While driving, I turned the music player on and a song from The Spinners played across my ears. Somehow, I couldn't help but to let out a smile as I listen to this song. Hindi ko alam, pakiramdam ko ay gumagaan ang mood ko sa tuwing naririnig ito.
Hey ya'll prepare yourself for the rubberband man
You've never heard a sound
Like the rubberband man
You're bound to lose control
When the rubberband starts to jam
Huminto ang sasakyan sa harapan ko dahilan ng paghinto ko rin. My fingers keeps on drumming against the steering wheel as if they're dancing to the rhythm of the music I'm listening to. Bahagya ko pang sinasabayan ang kanta sa mahinang bulong.
The SUV in front of me suddenly moved. Sumunod ako dito at lumiko sa isang intersection kung saan bihira na ang sasakyan na dumadaan. The road became smooth and hassle-free. Just when I thought that everything's going to be alright, my car's engine suddenly stopped.
Kumurap-kurap ako.
"What the hell?" I whispered anxiously.
Sinubukan kong buhayin ang makina. Nabubuhay ito ngunit agad rin naman namamatay. Ilang beses ko pang sinubukan ulit-ulitin iyon ngunit ganoon pa rin ang nangyayari. Tumingin ako sa magkabilang gilid ko, nagpapasalamat na wala akong sasakyang naaabala dahil nga bihira naman ang nadaan dito.
Binuksan ko ang pintuan sa gilid ko at lumabas. Ang malamig na simoy na hangin ang kaagad na yumakap sa balat ko. Sa amoy pa lang nito ay alam ng may paparating na ulan. Nagsalubong ang aking kilay.
Kung kailan may paparating na ulan ay saka naman titirik itong sasakyan ko.
Naglakad ako patungo sa hood ng kotse ko at iniangat ang takip nito. Mabilis akong napabaling sa gilid ng sumalubong sa akin ang may kakapalang usok mula sa mga makina. Pinaypayan ko ang usok ngunit hindi ito agad nawawala.
I don't know anything about car engines. I know how to drive but I have no idea how to fix it if ever this situation happens. Gusto ko man subukan kalikutin ay baka lalo lang lumala ang kung ano mang sira nito.
Suddenly, clouds gave of their rain to the ground that made me groan frustratingly. Tumingala ako at nakita kung gaano na kadilim ang langit. Ang malalaking patak ng ulan ay mabilis na tumama sa mukha ko dahilan para mapatungo ako at magbuga ng hangin.
It may seem frustrating but the water droplets brought such a soothing sound, a natural melody every bit as beautiful as my mother's soulful hum back when I was a child. I felt each splash that touched my skin, watched my cardigan become a deeper, more rocky hue.
"Bakit naman ngayon ka pa nasira? Bihira pa naman ang nagagawing taxi dito." pagkausap ko sa kotse ko na animo magagawa ako nitong sagutin.
Inihilamos ko ang palad sa aking mukha. My hair is already soaking wet as well as my clothes. Huminga ako ng malalim, pilit pinapakalma ang isip ko.
Maybe I can call Dad and ask him to fetch me here. Pero paano kung nasa office pa siya ngayon sa Pasig? Knowing him, baka pasado alas otso pa iyon makauwi.
My gosh, Zoe. Ang daming paraan para makauwi ka. Get out of this road and look for a taxi! Tutal basa ka na rin naman sa ulan, maglakad-lakad ka para makahanap ka roon. Aabalahin mo pa ang tatay mo!
Napabuga ako sa naging bulong ng isip ko.
Hindi pa man ako nakakagalaw sa kinatatayuan ko nang isang kulay puting SUV ang tumigil sa gilid ko. Napabaling ako roon. With the help of my car's headlights, I was able to see the car rolling its window down. It's slowly revealing the person inside that made my brows furrow.
Even with the darkness, I can still see the duskiness of his eyes. Kunot rin ang noo niya kagaya ng sa akin habang mariin akong pinagmamasdan. Maya-maya pa ay nakita kong may inabot siya mula sa backseat bago tuluyang bumaba ng kotse niya.
Confused, I stayed on my position and watched him jump out of his car. He jogged towards me... with an umbrella on his hand. Bago pa man tuluyang makalapit ay binuksan niya na ang payong at mabilis akong pinayungan.
He anchored his dark eyes to my car and then brought it back to me.
"Nasira ang sasakyan mo?" tanong niya.
Nagiwas ako ng tingin at huminga ng malalim.
"Unfortunately."
He nodded. "I'll drive you home. Tatawag ako ng mekaniko na magaayos ng sasakyan mo."
"Thanks for the offer but I'll just find a taxi or maybe, a grab."
"Riding with me is easier and safe than waiting for a cab under this heavy rain. Don't worry, I'm harmless."
My eyes went to him. Malikot ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Para bang masusi niyang pinagaaralan ang bawat parte ng mukha ko.
"How would I know that you are harmless?"
Bumusangot siya. Tila ba naiinis sa naging paraan ng tanong ko.
"I'm a CEO and not some f*****g rapist. I can show you my ID's if you want..."
I rolled my eyes at him. Hindi maganda kung magiinarte pa ako sa ganitong sitwasyon ko. Nasiraan na nga ng sasakyan at umuulan pa. Wala naman sigurong masama kung sasabay ako sa kanya. He really look harmless. Hindi na ako nagugulat pa na isa rin siyang CEO. Kung pagbabasehan ang itsura niya ay mukha naman talagang ganoon.
"Let's go." I said frigidly.
He breathed a sigh of relief and then nodded his head. Napapitlag ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko habang inaalalayan ako papunta sa kotse niya.
He must have notice my sudden reaction when he removed his hand from my shoulder and cleared his throat in a manly way.
"Sorry." he apologized.
He didn't get an answer from me. Binuksan niya ang pintuan ng passenger seat at inalalayan akong makaupo doon. When he's done settling me there, he slammed the door close and jogged to the other side. Bahagyang umalog ang sasakyan nang makapasok siya. Tiniklop niya ang payong sa labas at mabilis itong pinadaan sa harapan niya upang ilagay ito sa backseat.
He shut his door tight before placing his menacing eyes to me. Naabutan niya akong nakatingin sa kanya. Nahuli man ay hindi pa rin ako nagbawi at hinayaan siyang makita akong pinagmamasdan siya. Matipid siyang ngumiti.
"You okay?"
Tumango ako. "Halika na."
Sa pangalawang pagkakataon ay pinagala niya ang mga mata niya sa kabuuan ko. I felt a little bit of consciousness at the way his eyes scanned my face and body. I am wearing a navy blue cardigan and a white floral dress. Lantad ang kalahati ng hita ko dahil na rin sa pagkakaupo.
My breathing instantly halted when I saw him move closer to me.
"W-What are you doing?" natatarantang tanong ko ngunit hindi ito pinapahalata sa kanya.
From my eyes, his gaze went down my lips and stayed there for a seconds. Walang namutawing salita sa kanya. Sa kaunting agwat namin sa isa't-isa ay nagagawa kong malanghap ang presko pabango niya. His scent was like a mixture of fresh rain and wood. It's a bit seducing.
His hand went beside me. Just when I thought that he's going to touch me, he pulled the seatbelt and placed it across my body.
"Seatbelt. What else?" he said, playfulness was dripping from his voice. "I told you, I'm harmless."
I swallowed to put moisture on my dry throat. From where I am, I can feel the warmness of his body even if we're still inches away from each other. At para sa akin, sapat na ang init ng katawan niya para matakpan ang lamig na bumabalot sa akin dulot ng pagkabasa sa ulan.
Nang maikabit niya ang seatbelt ay bumalik na siya sa upuan niya at hinarap na ang kalsada. Nakita ko pa sa kaunting ilaw dulot ng liwanag ng poste sa labas ang pag nguso niya na tila ba nagpipigil siya ng ngisi. Umirap ako.
Anong inaasahan ko? Wala. Ano ba dapat? Wala nga kasi. Nagulat lang ako sa ganoong galaw niya. Ni minsan ay wala pang lalaki ang nakalapit sa akin ng ganoon.
The engine started to roar. He maneuver the steering wheel and finally drove our way out of there. Ibinaling ko ang ulo ko sa gilid at pinanood lang ang bawat gusali na nadadaanan. Hindi pa rin kumakalma ang ulan. Sa palagay ko ay hindi pa ito titila ano mang oras ngayon.
"Where will I drop you off?" Archer asked after minutes of defeaning silence.
"Bay breeze executive village." I said without paying him a glance.
"Hmm. Living alone?"
"With my Dad."
"I see..."
Hind na ulit pa nadugtungan ang naging usapan namin iyon. Hindi sa ayaw ko siyang kausap. Hindi lang talaga ako sanay makipagusap ng matagal sa lalaking literal na estranghero para sa akin. We've just met days ago. Our first meeting wasn't even that nice. We may have shared a coffee table but that doesn't mean that we're not strangers to each other. However, we can still be in the get to know each other stage.
What? Did I really say that?
I don't know. This man beside me may have those dark features but I can feel that he's far from the darkness I am seeing whenever I look at his eyes. Pakiramdam ko ay may kabaitan siyang itinatago sa kabila ng pagiging arogante niya. Hindi ko alam. It's too early to judge him anyway. Kung tutuusin nga ay matagal ko na siyang hinusgahan dahil sa pagiging mahangin niya. I am just hoping that my judgement towards him is partly incorrect.
Almost thirty minutes of stillness have passed. We finally reached our mansion and the heavy rain isn't even showing any sign of weakness.
Saktong paghinto ng sasakyan sa harapan ng bahay namin ay tumingin ako sa gawi ni Archer. Naabutan ko siyang nakamasid sa bahay namin habang ang isang kamay ay nasa manibela. The other one was leaning against the window while stroking his facial hair. When he felt me staring at him, he slowly move his hooded eyes to me.
I drummed my fingers above my leg while eyes still not leaving his face.
"Thank you."
Tumango siya. Pinasadahan niya ng kanyang dila ang ibabang parte ng labi niya.
"You're welcome."
Mas bumilis ang pagtapik ng mga daliri ko sa aking hita. Naagaw noon ang atensyon ni Archer. His eyes moved to my legs. Tumaas ang kaliwang kilay niya bago nag-angat ng tingin sa akin.
"Uh, d-do you want to go inside? Grab some coffee. My simple way of saying thank you."
He shifted on his seat and faced me properly.
"You'll invite me in?" he asked, surprised was etched in his eyes.
Nagiwas ako ng tingin. "If you want. Kung hindi naman—"
"You honestly don't have to do it. It's my pleasure to help you in any way I can. But I won't decline that invitation." he said that made me look at him.
He's smirking at me. Napabuntong hininga na lang ako at tumango.
"Let's go."
I was about to open the car door when he held my arm. I turned to him and he was eyeing me intently.
"Don't. Mababasa ka kung bababa ka kaagad. Hintayin mo ako."
Binitawan niya ang braso ko at muling kinuha ang payong mula sa backseat. When he got a hold of it, he opened the door beside him and unlocked the umbrella. He stepped out of the driver's seat and walked against the rain. Nang makarating sa gilid ko ay binuksan niya ang pintuan.
"Take it slow. Baka madulas ka." paalala niya nang alalayan niya akong makababa ng sasakyan niya.
My heart clobbered at his words and gestures. Never in my life I have heard a man talking to me this way. Iyong may pagiingat, iyong kababakasan ng pagaalala. Siguro ay dahil na rin sa wala akong hinahayaan na makalapit sa akin ng ganito. I don't know if my mind and imaginations are just playing tricks on me. Alam ko na imposible pero... bakit parang mabilis na naglaho ang inis ko para sa isang ito?
Just one gentle act from him and the irritation I have for him quickly vanished. I'm too easy to forget, huh? Or maybe, my vexation towards hin was too shallow.
Lihim akong nagpapasalamat na bukas ang main gate namin. Sabay naming sinuong ang malakas na ulan patungo sa entrada ng bahay. Saktong pagdating namin doon ay ang paglabas naman ng kasambahay namin.
"Naku, Ma'am Zoe!" naglalaki ang mga mata na aniya. "Basang-basa po kayo ng ulan."
Nang makasilong ay bahagyang lumayo si Archer sa akin at isinarado ang payong.
"Sandali po at kukuha ako ng towel!" tarantang sabi ng kasambahay namin. Asta na siyang tatalikod nang tawagin ko siya. "Po?"
"Dalawa ang kunin mo." sabi ko.
"Opo!" aniya at tumalikod na.
Hinarap ko si Archer na ngayon ay nakamasid na sa akin, partikular sa mukha ko.
"Maligo ka kaagad. Baka magkasakit ka."
Tumango ako. "Pumasok na muna tayo."
Tinalikuran ko na siya at nauna ng pumasok sa loob ng bahay. Rinig ko ang mga yabag niya mula sa likuran ko tanda ng hindi nalalayo ang distansya niya sa akin. Pagkarating sa living room ay siyang pagsulpot ng kasambahay namin bitbit ang dalawang puting towel. Iniabot niya ito sa akin, ang isa ay kay Archer na nasa likuran ko pa rin.
"Wala pa si Daddy, Ate Rose?" tanong ko sa kasambahay namin pagkabalik niya sa harapan ko.
"Wala pa po, Ma'am."
Tumango ako. "Pakitimpla mo muna siya ng kape."
"Sige, Ma'am." sagot niya at tumalikod na.
Nagpupunas na ng mukha si Archer nang muli ko siyang balingan. Dahil sa bukas ang lahat ng ilaw sa aming sala ay maaliwalas kong nakikita ang pamumula ng pisngi niya at ang ilang butil ng tubig sa kanyang noo na gumagapang pababa sa makapal niyang kilay. From the ground, he lifted his eyes to my face and that's when I immediately pulled away.
I cleared my throat, acting like everything is normal between us. Trying to kick the awkwardness that's suddenly filling my heart, I set my eyes back to him again.
"Maupo ka muna. Maliligo lang ako sandali." walang emosyon na sabi ko.
Tumango siya. "Take your time."
Tipid akong ngumiti bago siya tuluyang tinalikuran. Pagkarating ko sa kwarto ay mabilis akong naligo. Gustuhin ko man magbabad sa tub ay hindi maaari dahil alam kong may bisita akong iniwan sa baba.
Wearing a gray fitted sweat pants and a white vneck shirt, I climbed down the stairs and walked towards the couch where he is. Naabutan ko siyang nakatuon ang magkabilang siko sa ibabaw ng hita niya habang nakatingin sa kawalan. When he sense my obvious presence, he ascended his eyes and met mine. He smiled.
"Hey."
Rubbing the mini towel in my hair, I let out a wry smile and sat across him. Dumapo ang mga mata ko sa tasa ng kape sa harap niya na ngayon ay halos kalahati na.
"How are you feeling? Hindi ka ba sisipunin?" he asked.
"I'm fine. Mukhang hindi naman."
Naagaw ang atensyon namin parehas nang bumukas ang main door. Iniluwa noon si Daddy, sa likod niya ay naroon ang dalawa naming kasambahay na nagdadala ng mga gamit niya. He's unbuttoning the three buttons of his white poloshirt while walking straight. His eyes accidentally went to us. Mula sa akin ay natuon kay Archer ang mga mata niya. For a sudden moment, darkness invaded those eyes.
Nagtungo siya sa kinaroroonan namin kasabay ng pagtayo ko.
"Dad..." I greeted and kissed him on his cheek.
"Princess. Kanina ka pa?" tanong niya pagkatapos ako yakapin.
"Kakauwi ko lang rin, Dad. Nasiraan ako ng sasakyan sa daan. But Archer was there and insisted to drive me home."
Humarap ako sa gawi ni Archer. He's already standing while looking at my father. May tipid na ngiti sa labi niya.
"Good evening, Sir. I'm Archer Ravena."
Glancing back to my father, I saw him staring seriously at Archer. Bakas na bakas ang kaseryosohan sa mukha niya. Naiintindihan ko iyon dahil ito ang unang beses na nagpapasok ako ng lalaki dito sa bahay. He's not even my suitor or boyfriend. He's just a stranger but I still let him in. That easy.
"CEO of Ravena Steels Incorporated?" Dad asked.
"Yes, Sir."
Tumango si Daddy. "Thank you for driving my daughter home."
"No problem, Sir."
"Alright. I'll leave you two here. I need to take a bath. Medyo nabasa ako ng ulan." si Daddy, ang paningin ay nasa akin na.
I nodded. "Go ahead, Dad."
He kissed my forehead and shot Archer a quick glance before leaving us. Nang makaakyat na siya ng hagdanan ay bumalik ako sa couch. Sabay kaming naupo ni Archer. Nakita ko ang pagpapakawala niya ng buntong hininga.
"Your father is a bit stern." he noticed.
Ngumisi ako. "Sa ibang tao lang siguro. Pero sa akin ay hindi."
Tumango-tango siya. "I can see that. By the way, I have to get your number so I could inform you where you can pick your car up."
My face contorted in a sarcastic way. "Is it really about the car or you just want to have my number for your personal reasons?"
The corner of his red and moistened lips twitched sexily while staring me with extreme strength and power dripping from his dusky eyes.
"Both, but the latter is my priority."