Kabanata 5

2505 Words
Kabanata 5 Tahimik ako sa naging buong biyahe namin ni Archer papunta sa restaurant na sinasabi niya. Hindi ko na nagawang itanong pa sa kanya kung saan iyon dahil naging abala ang isip ko sa mga salitang binitawan niya. He likes me. The sincerity when he said that was drizzling from his pitch-dark and livid eyes like a rain sprinkling on the roof. Hindi ako ipinanganak kahapon para hindi maintindihan ang ibig niyang sabihin roon. Nga lang, wala rin akong ideya kung sa paanong paraan niya ako naging gusto. Gusto bilang tao... gusto kausap... O, gusto bilang karelasyon? You already know the answer to that question, Zoe. Ayaw mo lang aminin dahil hindi mo gustong paniwalaan. Ni hindi ko siya nagawang sagutin matapos niya sabihin iyon. I was suddenly stuck. My brain didn't function right away that made it hard for me to construct an answer. Hindi siya ang unang lalaki na nagsabing gusto niya ako pero sa kanya ko naramdaman ang pagikot ng kung ano sa sikmura ko. By the time I felt that, I knew that I am going to have this thing bad. "Did I scare you?" Archer asked that cut my train of thoughts. Mula sa labas ng bintana ay ibinaling ko sa kanya ang atensyon ko. "Saan naman ako matatakot?" Though I already know what he meant by that, I still had to act that I'm clueless because he's right. He scared me. I'm starting to feel scared for my own self. Looking at the road ahead us, he shot me a quick glance and smiled a bit. This isn't the first time I ever saw him smile but it still feels like it is. It transformed him from someone menacing to someone gentle and kind. "I was a bit fast. Nabigla ata kita." A bit? You're really fast, Archer. We have just met a few days ago, bumped into each other for a couple of times and there you are, confessing like we've known each other for so long. "That's fine. Hindi lang naman ikaw ang unang lalaking nagtapat sa akin. It's no biggie." matapang na sagot ko at iniwasan na siya ng tingin. His soft chuckle echoed in the four corners of his car. "I know. That's why I did not expect you to react that way. Don't get me wrong but you looked suprised." "I'm not. I'm used to hearing confessions like that. Mas matitindi pa nga ang iba. Nagiingat lang ako. I don't even know you..." "Sa paanong paraan mo ako gustong magpakilala, Lean?" tanong niya, saktong paghinto ng kotse. I remained on my seat, aware of his stares for me. "Sabihin mo, gagawin ko." Huminga ako ng malalim at nilingon siya. Nakatitig na agad siya sa akin, halatang inaabangan ang paglingon ko sa gawi niya. His left hand was still holding the steering wheel in a lazy manner. Ang isang kamay niya ay nakapatong sa ibabaw ng kanyang hita. He's drumming his fingers above that leg that made him look calm but intense. "You don't have to do anything. Just be yourself." seryosong sagot ko. Tumango siya at tipid na ngumiti. "Whatever you say goes." Pagkasabi noon ay bumaba na siya ng driver's seat at naglakad papunta sa gawi ko. He opened the door beside me. There's always a menacing smirk ready on his lips everytime I look at him. Hindi na talaga ako magtataka na may kalokohang taglay ang isang ito. The smirk he always wears is the kind of smirk he uses to attract women. Or does he even need to smirk just to capture their attention? Simpleng presensiya niya ay nakakatawag na ng atensyon. "Marami ka pang pagkakataon para titigan ako. Huwag mo sagarin ngayon." aniya dahilan para mapuknat ang pagtitig ko sa kanya. Lumunok ako dahil literal na nanuyo ang lalamunan ko. I rolled my eyes at him and that made the smirk on his lips grow even more wider. "Did you just roll your eyes at me?" Tinaasan ko siya ng kilay. "So what if I did? Bawal?" He wetted his lips and nodded once. "Bawal. Sa susunod na gawin mo ulit iyan, may kapalit na." "At ano naman ang kapalit?" A ghost of mischievous smile crept on his face. "Why don't you try doing it again? Para malaman mo kung ano iyon." Bumusangot ako at astang bababa na pero hindi kaagad magawa dahil nakaharang pa ang kamay niya sa dadaanan ko. "Excuse. Bababa na ako." He grinned sexily and removed his hand from blocking my way. Uh! Everything about this man looks so attractive to me! Why is that? Nang makababa ay naglakad na kami sa isang three story steak house. Kung hindi ako nagkakamali ay isang beses na kaming nakakain sa lugar na ito ni Daddy. Their specialties are great, I must say. The double glass door instantly opened when Archer and I entered. Isang lalaking unipormado ang sumalubong sa amin nang may ngiti sa mga labi. "Welcome to Manila Steak House!" aniya. He only got a smile from me. "VIP, please." sagot ni Archer. "Yes, Sir." Nagpatiuna na ito sa paglalakad papunta sa isang elevator. If I'm not mistaken, nasa top floor ang lugar kung saan nakapwesto ang mga VIP customers. Nagkatinginan kami ni Archer bago sumunod doon. When we reached the place, the staff guided us to a spot near the glass wall where we can see the burning city lights from afar. Hinila ni Archer ang upuan para sa akin. Nagpasalamat ako at naupo roon. After settling himself, another staff approached us and gave us the menu. Ilang buklat pa lang ay nakapili na ako. "Beef Manhattan and orange juice, please." sabi ko at inabot ito sa staff. Tumango siya at nagsulat siya sa isang mini notebook. Nakita ko ang pagsulyap ni Archer sa akin mula sa pagkakatuon sa menu. "That's all?" he asked. "Yes. I don't eat too much carbs in the night." He smirked. "No wonder you have a body to die for," he said and then gave the menu back to the staff. "Chateaubriand and blue lemon, please." "Noted, Sir. You want to add some dessert?" Tumingin sa akin si Archer, nagtatanong ang mga mata. Umiling ako bilang sagot. He nodded and looked back to the staff. "No. That would be all." Tumango ang staff at nagpaalam na para asikasuhin ang inorder namin. Tumingin sa akin si Archer. Umangat ang mga kilay ko nang makita ang pagtitig niya sa akin. "What?" I asked sternly. He chuckled as shook his head. Umayos siya ng pagkakaupo, itinuon ang siko sa mesa at pinagsalikop ang mga kamay. I saw the bluish veins protruding on his arms. Madali ko iyon napansin dahil sa pagkakarolyo ng manggas ng puting longsleeve na suot niya. "Why are you too stiff?" he asked. "I'm not. Ano bang gusto mo? Ngumiti ako dito kahit wala namang dahilan?" He chuckled. "If possible, then yes. I want to see you smile often. Maganda ka kapag nakasimangot, pero mas maganda ka kung ngingiti ka." Imbes na matuwa sa sinabi niya ay lumalim lang ang gitla sa noo ko. "Sanay na sanay ka sa pangbibilog ng ulo, ano? Dami mo na sigurong napasakay sa kakaganyan mo. Ilan? Lima? Sampu? O, higit pa?" I smiled sarcastically. Itinuon ko ang mga kamay ko sa ibabaw ng lamesa at inilipat ang sarili ko sa kanya. "Ilan, Archer?" A ghost of dangerous smirk crawled on his pinkish lips. Kagaya ko, inilapit niya rin ang sarili niya sa akin hanggang ang mga mukha namin ay ilang sentimetro na lang ang distansiya. I can now smell the bubble-mint scent of his breath. "Kung sasabihin ko sa'yong ikaw lang... maniniwala ka ba?" My eyes blinked a few times. I tried to clear my throat and forced myself to calm down. Unti-unti akong umatras at umupo ng maayos. Sa bawat paggalaw ko ay nakasunod ang mga mata niya. Nagiwas ako ng tingin, itinuon ito sa tanawin sa labas. Ilang segundo lang ay ibinalik ko ang mga mata sa kanya. Nakatitig pa rin siya sa akin. "Quit staring. It's rude!" I hissed. "Does it mean you were also rude when you stared at me awhile ago?" he mocked. "I did?" "Yes, baby. You did." "I'm not your baby..." The edge of his mouth is pushed up, scrunching his one eye up, making the black appear even more dimmed. "You will be..." This guy... he will surely have a deep spot in my heart. Ngayon pa lang na naguumpisa pa lang kaming kilalanin ang isa't-isa ay alam kong malalim na ang magiging epekto niya sa akin. Iyon pa lang na hinahayaan ko siyang yayain ako sa mga ganitong sitwasyon ay simbolo na parang binibigyan ko siya ng pag asa. Kulang isang oras ang itinagal namin sa loob ng restaurant. Hindi naman naging madaldal si Archer. I can't say that what we have talked about earlier was the get to know each other stage. Pero siguro ay iyon na nga ang simula noon. Kung mayroon man akong isang bagay na pakiramdam ko ay nagugustuhan ko sa kanya, iyon ay ang pagkakaroon niya ng sense kausap. Sa kabila ng mga kalokohang namumutawi sa bibig niya, nakikita ko pa rin kung gaano siya katalino at kadisiplinadong tao. "I should have drive you home instead of dropping you back to your building." si Archer nang nasa daan na kami pabalik. Kanina niya pa sinasabi na ihahatid niya na lang ako sa bahay pero patuloy ako sa pagtanggi. "One at a time, Archer. Nailabas mo na ako, gusto mo pa akong ihatid? Hinay-hinay lang. Baka ma-addict ka sa akin at hanap hanapin mo ako." biro ko na hindi ko alam kung saan nanggaling. What the hell, Zoe? You speak like your best friend! Masiyadong matapang at parang palaging nanghahamon. Baka patulan ka niyan at ikaw ang hindi makaporma? I heard him let out a soft chuckle. "You will be my favorite addiction then." Umiling ako, pilit nilalabanan ang ngisi na gustong kumawala sa labi ko. "You and your flowery mouth. Dapat sa'yo ay ipares sa palaban na babae. Iyong kayang tapatan iyang pagkamabulaklak ng dila mo. Your attitude actually fits with my best friend. Bagay kayo." "We're not yet together but there you are, already pushing me to someone I don't even know. Basted na kaagad ako?" Nilingon ko ko siya, nakaawang ang labi at gulantang sa sinabi niya. "Well, I'm not aware that you're courting me." He shot me a fast glance. A smirk blossomed across his face as the car halted in front of our building. "Now you are." Binalot ng init ant aking pisngi habang pinapanood siyang kalasin ang seatbelt niya. Bago pa man ako makagalaw ay lumapit na siya sa akin. My heart thumped when I felt his skin brushing against mine. He moved his face towards me and I unconsciously gulped because of the intensity his presence is making me feel. Halos magkaroon na ako ng double chin sa sobrang pagkakatiin ng ulo para lang hindi magdikit ang mga mukha namin. "What a-are you doing..." I stuttered. He sneered goofily. "Seat belt..." Mas dumoble ang pagiinit ng mukha ko nang marinig ang naging sagot niya. Seat belt, Zoe Leandra! Naiintindihan mo? Dulot ng kahihiyang nararamdaman ay nauna akong bumaba at hindi na siya hinintay. Naririnig ko ang mahihinang halakhak niya na mas lalo kong ikinatiklop. Nagmartsa ako patungo sa parking lot kung saan naroon ang sasakyan ko. "Lean," Archer called out as he followed me. "What?" I asked without looking at him. Hindi pa man siya nakakasagot ay napatigil na ako sa paglalakad nang makita si Daddy na nakahilig sa kotse ko, magkakarus ang mga paa at tila ba naghihintay sa pagdating ko. "Dad..." a whisper came out of my lips. Drilling his eyes into mine, he anchored his gaze behind me and I know exactly who he's looking at. Inalis niya ang pagkakakrus ng mga paa niya at umayos ng tayo. Naglakad siya palapit sa akin, yumuko at pinatakan ako ng halik sa aking noo. "Where have you been, princess?" he asked calmly but his dagger eyes were telling the other way around. Pilit kong pinagana ang isip ko. Sasabihin ko sa kanya ang totoo? What if he gets mad? Hindi naman niya ako pinagbabawalan makisalamuha sa mga lalaki. Si Archer pa lang ang lalaking sinamahan ko kaya hindi rin naman ako sigurado na ayos nga lang kay Daddy. "Uh, D-Dad... I went-" "Good evening, Sir. I invited your daughter over dinner. I hope it's fine with you." si Archer bago pa man ako makapagsalita. Lumipat muli ang tingin ni Daddy kay Archer na ikinapikit ko ng mariin. My father's eyes were intense and clouded by coldness. "Archer Ravena?" Dad questioned, his voice full of authority. "Yes, Sir." "I won't mind unless it was a... business-related dinner?" malalim ang boses na sagot ni Daddy. Nagmulat ako ng mga mata, pumihit paharap kay Archer. Tumingin siya sa akin. Pinanglakihan ko siya ng mga mata, umaasang sa pamamagitan no'n ay magagawa niyang makuha ang mensahe ko na sang-ayunan ang sinabing iyon ni Daddy. Archer sighed and looked at my father again with so much braveness lingering in his eyes. "It wasn't. I invited her for some personal reason." "Archer!" mariing tawag ko, hindi na napigilan pa. Binalingan niya ako at tipid lang na nginitian. Anong nginingiti-ngiti mo diyan? Don't tell me you'll tell my father what you just confessed to me earlier?! "Uh-huh. And that personal reason is?" si Daddy. Mabilis kong hinarap si Daddy. "D-Dad! Let's go home. Tomorrow is Mommy's death anniversary. Maghahanda pa tayo ng mga kailangan, hindi ba?" Mula sa pagkakatitig kay Archer ay nagbaba siya ng tingin sa akin. "We'll talk at home, Zoe Leandra." Tumango ako, alam na agad ang paguusapan wala pa man. "Yes, Dad." Isang beses pang nilingon ni Daddy si Archer bago sumakay sa sarili nitong kotse na nasa tabi lang ng sa akin. I watched him as he ride inside his car. Nang makapasok na ay nilingon ko si Archer at sinamaan ng tingin. "Ano bang ginagawa mo?!" mariing angil ko. Umangat ang kilay niya. "What did I do?" "What do you mean personal reasons? Sasabihin mo kay Daddy na gusto mo ako?" Natawa siya sa reaksyon ko, halatang nagugustuhan ang pagkataranta ko. "So what? I can't see anything wrong with that. Sinabi kong gusto kita at parte noon ang paghingi ko ng permiso sa Daddy mo na liligawan kita." I was suddenly taken aback at his straightforwardness. "Zoe Leandra..." tawag ni Daddy na hindi ko pinansin. Tanging na kay Archer lang ang atensyon ko. "Hindi sa parking lot ang lugar para humingi ka ng permiso sa ama ko. May bahay kami!" bago pa man makapagisip ay iyon na ang lumabas sa bibig ko. Dahan-dahan umangat ang sulok ng labi niya. "Payag ka na? Wala ng mailusot pa, huminga ako ng malalim habang pinagmamasdan ang ngisi sa labi niya. "Read between the lines, Ravena." I said and turned my back against him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD