Kabanata 2

1064 Words
"Huh! Nasa tamang pag-iisip pa po ba kayo Apo Igok?! Mas matanda pa kayo sa Tatay ko pero nais ninyo na pakasalan ko kayo?!" di makapaniwalang tanong niya dito parang nais bumaliktad ng kanyang sikmura sa sinabi nito. "Kung sa tingin mo hindi kita kayang paligayahin Hija, nagkakamali ka," nakangisi nitong wika. Mag-asawang sampal ang pinadapo niya sa mukha ng matanda. Matanda na pero wala pa itong pinagkatandaan. Marunong siyang gumalang sa matatanda ngunit hindi niya mapapalampas ang kabastusan ng isang ito. Nanlilisik ang mga mata nitong bumaling sa kanya. "Gahaman ka na nga bastos ka pa!" galit na singhal niya dito sabay talikod. "Huh! Mayabang ka rin ano hija, anong gagawin mo sa ngayon? Aalis ka dahil sa pride mo? Hindi maililigtas ng pride mong iyan ang Tatay mo! Mamamatay ang tatay mo kapag hindi mo tinanggap ang offer ko," nakangising wika nito. Bigla siyang pumihit at nahagip niya ang isang pasong nasa may tabi niya, kinuha niya iyon at walang ano-ano'y ibinato niya sa may tagiliran nito. Nagulat naman ito at nanlalaki ang matang napatingin sa kanya. "Sa susunod na banggitin mo pa ang bagay na iyan patungkol sa tatay ko, babasagin ko na ang mukha mo gamit ang pasong iyan!" tiim-bagang na banta niya dito saka tuluyan nilisan ang lugar na iyon. Samantala sa mansyon ng Del Azul. "Dude, ibang klase ka rin talaga. Pati ba naman mga maid mo dito sa mansyon ninyo puro lalaki? May itinira ka nga matatanda naman, sana hindi nalang ako nagbakasyon dito hindi rin naman makapanchiks!" nagmamaktol na pahayag ng bestfriend ni Amiro na si Clyde, taga Manila ito at dahil ilang buwan na rin naman silang hindi nagkikita, naisipan nitong dalawin siya. Pero heto at dalawang araw palang na namamalagi sa Hacienda ay parang nais ng bumalik ng Manila dahil sa wala itong malanding babae. Dahil puro lalaki ang kasama nila sa bahay. Kung meron man, matatanda na ang mga iyon at dati ng tauhan sa hacienda. "Dude, marami naman pwedeng mapaglibangan dito hindi lang babae. Gusto mo magkarera tayo ng kabayo mamaya, para hindi ka naman mabagot wala rin naman akong lakad mamaya," wika niya dito. "Naku, mabuti pa nga siguro at baka ako ay mahawa na rin sa kakengkuyan mo! Alam mo naman na heaven ang hatid ng mga babae ei kaya hindi ko talaga maintindihan kung bakit masyado lang apektado sa panlolokong ginawa sayo ng ex mo." inis na pahayag nito tsaka sabay tungga ng alak sa kupeta. Napapailing na tumingin siya dito, hindi na niya ito pinatulan sa pang-aasar nito. Saglit lamang silang uminom saka sila naghanda para magtungo sa kinaroroonan ng mga kabayo. "Talunin mo ako Dude, kapag nagawa mo iyan sasama ka sakin mamayang gabi sa bar at kapag ako naman ang natalo mo, uhmm, teka ano nga bang ipupusta ko?" kakamot-kamot sa ulong wika nito. Natawa nalang siya, wala naman siyang balak patulan ang paandar nito pero kung ang nais nitong magtungo sa bar ang magiging parusa kapag natalo siya sa karera, never siyang magpapatalo dito. Ayaw niyang may makasalamuhang kahit na isang babae lamang tapos sa bar pa kaya? Pinili nito ang isang matikas na kabayong kulay brown, isa iyon sa paborito ng kanyang Papa at ang kanyang si Snow White naman ang sinakyan niya ang kabayong pag-aari niya simula bata pa. Regalo ito sa kanya ng kanyang Papa noong natuto na siyang mangabayo. "Kahit wala ng pusta Dude, hindi mo rin naman ako matatalo ei," wika niya sabay halakhak na tila inaasar pa ito. "Tingnan natin, hayaa!" wika nito, sabay patakbo na sa kabayong sinasakyan, mabilis naman siyang sumunod dito. Ilang minuto din ang itinagal ng karera nila, ang usapan hanggang sa may sapa na nasa dulo na ng hacienda ang hangganan ng kanilang karera Hindi masyadong bihasa si Clyde sa pangangabayo kaya naman kahit hindi niya sineryoso ang pakikipagkarera dito, siya pa rin ang nanalo "Nadaya mo yata ako dude, ako ang nangunguna kanina ei tapos bigla-bigla ikaw na," natatawang wika nito. "Sadyang magaling lang talaga ako sayo dude." natatawang sagot niya dito sabay baba sa kabayong sinasakyan para maghilamos sa sapa. "Naku, hindi lang ako nakapagpractice dude pero may next time pa naman ei, kaya maghanda kana dudurugin kita!" wika nito na sinundan pa ng fake na tawa. "Sira!" wika niya habang naghihilamos sa malinaw na tubig ng sapa. Natahimik naman ang kanyang kaibigan dahil may nagmessage dito, kaya cellphone ang inatupag. Maya-maya ay napaangat ang kanyang mukha ng mapansin ang babaeng nasa kabilang panig ng sapa, nasa may ibaba ito at tila naglilinis ito ng paang naputikan. Nakalugay ang itim nitong buhok na inililipad ng hangin at bahagyang natatabingan ang mukha nito pero batid niyang maganda ang babae. Makinis, maputi at bilugan ang hita nito at mamula-mula rin ang talampakan. Hindi lang ito gaanong pinalad sa height pero bumagay naman iyon sa babae. Maganda rin ang hubog ng pang-upo nito, medyo nakaside view na kasi ito sa kaniya na nakatuwad dahil hinahagod nito ang binting may putik. Maya-maya'y bahagya nitong hinawi ang buhok kaya nakita niya ang mukha nito ngunit nananatiling nakaside view kaya hindi niya mamukhaan pero ngayon niya natiyak na napakaganda ng babae. Napaawang ang labi niya ng ililis nito ang blouse na suot at animo huhubarin. "Wow! Napakaganda nya!" bulalas ni Clyde na noo'y nakalapit na pala sa kanya at nakita na rin nito ang babae. Agad namang nag-angat ng paningin ang babae at gulat na gulat na tumingin sa gawi nila. " Mga bastos!" sigaw nito, sabay takbo palayo sa kanila. "Miss wait!" sigaw ni Clyde. Siya naman ay hindi makapaniwala sa sarili, bakit tila yata humahanga siya sa babae. Taliwas sa palagi niyang nararamdamang galit o pagkairita kapag may babaeng nasa paligid niya. "Dude, sh*t ganda non ah! Kilala mo ba yon? Pakilala mo naman ako para naman may mapaglibangan ako dito oh," wika nito. "Sira ka talaga, halika na umuwi na tayo." aya niya dito sabay sampa sa kanyang kabayo. "Grabe naman, akala ko pa naman galit ka sa mga babae yon pala type mo rin ang chikababe na yon," nakasimangot na wika nito. "Baliw ka talaga dude, sayong-sayo na kapag nakita mo ulit. Tara na nga, nagchat na ang assistant ko." aya niya dito sabay patakbo na ng kabayo. Nagkukumahog naman sa pagsakay sa kabayo niya ang naiwang si Clyde. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD