ALYANA’S POV TUMINDIG si Inang Tala saka siya lumapit sa akin at tinabihan niya ako sa sofa. Nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalala niya sa akin. Hinawakan niya ang kanang kamay ko at ngumiti siya direkta sa mata ko. “Alam kong ginagawa mo ang lahat para maligtas mo ang papa mo. Pero hindi naman tama na gagamitin mo ang kaibigan mo para makuha ang gusto mo,” salaysay niyang wika sa akin kaya tumango ako at napaisip nang malalim saka ako nagsalita. “Pero po kasi, Lola. Nangako ako na tutulungan ko ang kaibigan ko. Ano gagawin ko?” Huminga siya nang malalim saka niya mahinay na tinapik ang likod ng kamay ko. “Basta h’wag mo lang ipahalata kay Lakambini Dayana ang motibo mo. Dapat makita niyang hindi mo pakana ito. Naiintindihan mo ba?” Napakagat ako ng ibabang labi pagkuwan ay tuma