3RD PERSON POV DAGLING lumabas ng silid si Inagasi kaya agad na sumunod dito si Adan. “Kamahalan! Saan ka po pupunta? May lakad ka ngayon, hindi po ba?” tanong ng alipin sa kaniya kaya nilingon niya ito. “Kailangan ko muna pumunta sa dance lessons bago ako umalis. Oh siya, alis na muna ako. Umaasa akong pagtatakpan mo ako kina ama at ina,” sagot ni Inagasi dito pagkuwan ay agad na nagpunta sa practice room kasama ang ilang mga lalaki. Pagdating niya do’n ay agad na hinanap niya si Lakambini Alyana. At nang pumuwesto na sila ay mabilis pa sa alas kuwatro nang humarap siya dito sa dalaga. Nanlaki ang mata ni Alyana sa ginawa ni Inagasi sa kaniya. “A-Anong ginagawa mo?” pabulong na tanong ni Alyana kay Inagasi. “Obviously, change partners,” ngiting tugon niya dito sa dalaga. Napabu