bc

ANG BABAENG KULANG SA E.U.T. (EAT UNWIND TRAVEL)

book_age18+
5
FOLLOW
1K
READ
HE
opposites attract
lighthearted
office/work place
assistant
like
intro-logo
Blurb

Lahat naman tayo ay pangarap na maranasan ang E.U.T di ba? Sino bang tayo ang ayaw ng E.U.T?At isa na nga rito si Mercedez Tabangan.Simple lang ang pangarap ni Mercedez, ‘yon ay ang makapagtapos sa pag-aaral ang kanyang dalawang kapatid upang magkaroon ang mga ito nang magandang buhay. Ginugol niya ang kanyang buong panahon sa pagtatrabaho at halos nakalimutan na rin niya ang kanyang sarili. Para sa kanya, okay pa naman siya. At mas kailangan siya ng mga kapatid niya.Sa pagpasok niya sa bahay ng mga Crisologo ay makikilala niya ang kanyang lumpo na amo na si Alejandro.Masungit at laging galit sa mundo ang binata. Walang tumagal sa lahat ng mga namasukan dito dahil sa kanyang masamang ugali.Pero para kay Mercedez, lahat ay kakayanin niya para lang sa pangarap niya para sa mga kapatid. At pangarap niya na kahit minsan ay maranasan man lang niya ang E.U.TEatUnwind TravelSi Alejandro na kaya ang magpaparanas sa dalaga ng E.U.T na inaasam-asam niya?

chap-preview
Free preview
E.U.T 1
Hindi ko alintana ang init ng araw at pagod sa pagbubuhat ng mga tubo upang ikarga na sa truck. Kahit pa nga madalas akong kantiyawan ng mga kasamahan ko na hindi raw ako bagay sa lugar na ito dahil mukha ko. Pero tinatawanan ko lang sila, para sa akin ay walang masama sa trabaho na ito. Isa nga rin pala sa pangunahing produkto dito sa Batangas ay tubo at kung sa English ay sugarcane kung tawagin. Mahirap at medyo mabigat na trabaho ito para sa mga kababaihan. At kung kaya naman mas maraming kalalakihan ang gumagawa nito. Mula kasi sa pagtatabas nito hanggang sa magpasan upang iakyat sa malaking trak ay hindi talaga biro. Sa una ay matatakot ka sa hagdan, kalaunan naman ay masasanay ka na rin. Bata pa lang kasi ay nasama na ako kay Nanay noon kaya naman hindi na bago sa akin ang trabahong ito. “Mercedez! Mercedez! Mercedez!” malayo pa lang ay dinig na dinig ko na agad ang boses kipay ni Bona. “Ano na naman kaya ang kailangan ng babae na ito sa akin?” Kaagad kong binaba ang pasan kong tubo na ikakarga ko na sana sa truck. At panigurado na mangangalay lang ako sa tagal niyang magbalita. Kahit kailan talaga ay isa siyang malaking istorbo sa buhay ko! “Mercedez, kailangan mong umuwi na! Hindi ka pwedeng hindi uuwi! Now na!” “Bakit? Anong nangyari?” Bigla akong nakaramdam ng kaba at kung anu-ano agad ang pumasok sa utak ko. “Ganito kasi yun—pero alam mo ba na nakita ko si Ansing dyan sa may kanto! Alam mo hanggang ngayon ay anong kisig at tikas pa rin niya. Hays, naaalala ko na naman ang aming pag-iibigan na naudlot!” Niyakap niya pa ang kanyang sarili at ngumiti sa kawalan. Ito talaga ang malaking problema sa kababata ko na ito, hindi niya masasabi ang tunay niyang pakay sayo dahil sa maraming distraksyon na chismis na nasagap niya sa daan. “Bona! Anong nangyari?!” Pasigaw ko pa upang magising siya sa kanyang ilusyon sa buhay. “Ay, palakang may saklay! Ito na nga, ang Nanay mo, kailangan ka niya ngayon! Bilisan mo na!” Hindi ko na nagawang magpaalam sa amo namin dahil kailangan kong makarating kaagad sa bahay. Halos takbuhin ko ang daan pauwi sa aming bahay upang makita ang kalagayan ni Nanay Carlota. Siguro ay muli siyang sinumpong ng kanyang hika. At nang makarating ako sa tapat ng aming bahay-kubo ay dali-dali kong pinindot ang aming doorbell, charot lang, tali lang talaga ang lock ng aming pinto. Mula nga rito ay naririnig ko ang pag-ubo ni Nanay Carlota. “Inay ko! Inay! Inay ko, wag niyo kaming iiwan!” Tangis ko pa habang nagmamadaling lumapit sa kanyang tabi. "M-Mercedez..." mahinang tawag ni Nanay sa akin. Ginagap ko ang kamay ni Nanay na parang luya. "Matagal ko nang gustong sabihin sayo ito. Mercedez, si Mayor Serbeda ang---" Hindi ko na hinayaan na makatapos pa si Nanay sa pagsasalita at kaagad akong napatayo dahil sa sinabi niya. Alam na alam ko na ang ganitong eksena sa mga pelikula. Hindi ako maaaring magkamali! "Tama ako! Bakit inilihim niyo sa akin ang mga ganitong bagay, Nay? Bakit, Nay?! Sumagot ka!" Pasigaw ko pa at kung anu-ano na kaagad ang tumakbo sa utak ko. “Mercedez—” “Hindi niyo na maitatago ang katotohanan sa akin, Nay! Buong buhay ko, naniniwala ako na isa akong mahirap pero ang katotohanan ay hindi naman pala.” Napabangon si Nanay kahit hirap na hirap siya sa kanyang hika. “Punyeta kang bata ka! Hindi pa ako tapos magsalita, anong pinagsasabi mo dyan?” Tumawa pa ako habang pinapalis ang luha sa aking mga mata. “Si Mayor Serbeda po ba ang aking totoong ama? Nay, sumagot ka!” Hindi ko na napigilan ang aking sarili at lumapit ako kay Nanay at niyugyog ko siya sa magkabilang balikat hanggang sa mahubad na ang kanyang suot na sira at lumang kamiseta. “A-arayyy, Nay!” Nalukot ang aking mukha nang maramdaman ko ang pino niyang kurot sa tagiliran ko. “Gusto ko lang sabihin na si Mayor Serbeda ang pwedeng tumulong sa atin upang maipagamot mo ako ng libre! Kahit kailan ay hindi ako nagkasala sa yumao mong ama! Lintik kang bata ka! Mauuna pa akong mamatay sa kagagahan mo! Pati hika ko, nawala dahil sa kalokohan mo.” Napakamot pa sa ulo si Nanay habang natulala ako sa kanyang mga sinabi. Maya-maya pa ay ngumisi na lang saka ko inayos ang damit niya. “Sorry naman, Nay, ganon kasi ang mga napapanood ko sa mga palabas sa TV.” Napailing na lang si Nanay at muling nahiga habang natatawa na lang ako sa kalokohan ko. Ako nga pala si Mercedez Tabangan. Isa akong ulirang anak sa aking nag-iisang Nanay Carlota. Wala na si Tatay simula bata pa lang ako nang mapagod siya sa mundo. Sabi ni Nanay, inatake raw sa puso si Tatay habang nasa bukid. At dahil daw sa kakulangan namin sa pera ay hindi na nagawa pang dugtungan ang kanyang buhay. May mga kapatid akong ginagapang ngayon sa pag-aaral nang sa gayon ay sa huli ay aayos din ang aming buhay. Mahirap pero kinakaya ko para sa dalawa ko pang kapatid. Si Nanay ay hindi na niya kayang magtrabaho pa sa tubuhan dahil sa bigat ng trabaho at mainit pa. Kung bibilangin ang dami kong trabaho ay mahihiya ang galamay ng pugita! Ni hindi ko na nga matandaan kung kailan ang huli kong bili ng panty dahil talagang sa pag-aaral lang ng mga kapatid ko nakalaan lahat. Di bale, malapit na akong magkaroon ng kapatid na nurse. At sa sunod naman ay guro. “Nay, balik ako sa trabaho, okay na naman pala ang pakiramdam mo.” Natatawa ko pang paalam sa kanya. Kung bakit ba naman kasi naisip kong anak mayaman ako? Mukha talaga akong pera! “Ayos na ba ang nanay mo, Mercedez?” tanong ni Kuya Dante nang makabalik ako sa tubuhan. Tumango-tango naman ako humingi ng paumanhin dahil hindi na nakagawa ng magpaalam sa kanya kanina. Mabuti na nga lang at mabait din siya at nakakaunawa sa sitwasyon ko. Ilang oras ang lumipas at uwian na pala samantalang abala pa ang utak ko sa pag-iisip kung saan ako kukuha ng pambayad ni Meryl sa school niya. Wala naman akong maisip na pwedeng utangan, kahit nga ang konting ipon ni Mary-Ann ay nautang ko na rin sa kanya. Pinilig ko ang aking ulo at saka ko dinampot ang aking baunan upang makauwi na rin at makapag-pahinga muna saglit. Baka may mahahanap akong sideline mamaya sa bayan. Nagulat pa ako nang makita ko si Bona na naghihintay pala sa akin sa may daan. Baka mas chismis na naman siyang dala. Kung pwede lang isangla ang kaibigang chismosa, baka hinayaan ko nang maremata ang kaibigan kong ito. “Mercedez, ang lalim na naman ng iniisip mo dyan, may problema ba?” puna ni Bona sa akin habang naglalakad kami. Nagpakawala pa ako nang isang malalim na buntong-hininga at saka ako tumigil saglit at tiningnan ko siya ng seryoso. “Bona, may itatatanong sana ako sayo,” sabi ko pa. Kaagad naman nagliwanag ang mukha niya sa pag-aakala na chismis ang sasabihin ko. “Ano? Ano ‘yan? Bagong chismis no!” pangungulit niya pa sa akin. “Bona, nagdidilim din ba ang paningin ng mga bulag sa tuwing nagagalit sila?” Isang malutong na mura naman ang inabot ko mula sa kanya at kung kaya naman ay halos maubo ako sa kakatawa. Hays, idaan na lang natin sa tawa ang lahat ng problema! “Mercedez…” tawag niya sa akin. Binalingan ko lang siya habang patuloy kami sa paglalakad. “Sa tingin mo ba, kayang abutin ng mga putol ang kamay ang kanilang pangarap?” buhat sa sinabi niya ay napahagalpak ako ng tawa. Kahit kailan talaga ay pareho kami ng level ng utak! “Kailangan mo ng raket no?” usisa niya. Tumango-tango naman ako at habang nag-iisip pa rin. Hindi pwedeng ma-delay ang bayad ng kapatid ko, kaya kailangan ko ng pera. “Oo, para sa bayarin ni Meryl, kahit naman scholar siya ay marami pa rin naman kailangan bayaran. May alam ka bang raket?” Tinapik pa ni Bona ang balikat ko at sabay pa kaming napangiti nang may maalala kami pareho. Tama! May alam na akong raket! “Mga suki! Mga-bagong-bagong bóld kayo riyan! Sa mas murang halaga, bagsak presyo para sa masa!” Malakas kong sigaw sa gilid ng kalsada habang nag-aalok ng aking paninda. Alam ko naman bawal na ito pero malaki ang kita ko rito kaya naman pati ito ay pinatos ko na. Sayang kasi, pandagdag din ito para sa bayarin ni Meryl sa school. “Kuya, pili ka na, lahat yan ay malinaw, pati kuto sa buhok sa ibaba ay maaaninaw mo!” may halong kaba pa at takot habang patuloy ako sa pag-aalok. “Sure ka ba rito, Mercedez? Malinaw ba talaga ang kopya nito?” tanong pa ng isang lalaki na mukhang tambutso ng bus. "Sinasabi ko sayo, Kuya, kahit bahay-bata, makikita mo! Kaya garantisadong malinaw ang kopya!” Tumango-tango pa siya saka dumukot ng pera sa bulsa nito at inabot sa akin ang singkwenta pesos.” “Salamat—ay palaka ka!” Dali-dali kong hinila sa isang lalaki ang hawak niyang DVD na tinda ko nang makita ko na naman ang mga kalaban na pulis. Kabilin-bilinan ni Bona, kapag may pulis, takbo! Mabilis akong tumakbo at ganon rin ang iba pa sanang gustong bumili sa akin. Ang mahalaga ay kailangan kong makatakas sa kanila. Hindi ko alam kung gaano na kalayo ang aking natakbo pero pakiramdam ko, may nakasunod pa rin sa akin. Kaya naman mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo pero ganun pa rin, kaya naman kaagad ko itong nilingon pagdating ko sa eskinita. At gusto ko na lang himatayin na isa pala sa bibili kanina ang nabitbit ko. “ Walanghiya ka! Anong ginagawa mo dyan? Hanggang dito ba naman ay nakasunod ka pa?” Hawak-hawak niya pa ang DVD na bibilhin niya pala sa akin na nakalagay sa bilao ko. “Ito na ang bayad ko. Pinagod mo pa ako.” Kakamot-kamot pa ito sa kanyang ulo habang naglalakad palayo. “Malay ko bang pati siya ay sasama pa hanggang dito.” Napailing pa ako habang sinisilid ko sa loob ng bag ang mga paninda. Madali sana ang raket na ito na kung wala sanang habulan! Pero nakakainis naman itong mga police na ito! Kung kailan may mga bibili pa, bulilyaso pa tuloy, tsk! Hays, kailangan ko na naman maghanap ng bagong raket.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.0M
bc

The Heartless Alpha

read
1.5M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
472.8K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
518.0K
bc

The Perfect Luna

read
4.1M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
612.1K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
471.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook