"Mang Douglas, nakita niyo po ba si Jhoena?" tanong ni Realyn sa nakitang matanda. Pupungas-pungas siya dahil kagigising lang niya. "Hindi. Kanina ko pa nga siya gustong makita kasi tatanungin ko sana kung anong iluluto kong ulam." "Gano'n po ba." Sa sandaling iyon ay parang tinambol na ang dibdib niya sa matinding kaba. Kinabahan siya ng 'di niya maunawaan kung para saan. Yakap niya ang sariling paroo't parito habang patingin-tingin sa gate. Nagising na lang kasi siya na wala si Jhoena sa paligid. Pagkagaling nila kina Mang Arthur kanina kasi ay nakatulugan nilang magkaibigan ang pag-uusap tungkol sa nangyari, na nakakatakot ang matanda, na parang may inililihim at kung anu-ano pa. Sinipat niya ang kanyang pambisig na relo, alas otso na ng gabi. Nasa'n na kaya ang babaeng iyon? Nakar