Chapter 5

1633 Words
Malakas ang musika sa loob ng bar. Naninibago si Ana Maria dahil hindi ganito ang mga nakasanayan niyang noong panahon nila. Mas wild na ngayon ang mga kabataan. Napapasimangot siya dahil nakahubad na halos ang mga kababaehan sa suot ng mga ito. Napalunok siya ng makasalubong niya ang grupo ng mga babaeng labas ang mga pusod. Maiiksi ang mga short at pulang pula ang labi G-Ganito na ba sa future? Jusmiyo tong mga batang ito? Hindi ba sila kakabagin? Napatingin sakanya ang isang babaeng kulay asul ang buhok. May hikaw pa ito sa ilong. Tinitigan nito ang kanyang suot suot na damit. She's wearing an old fashion pink dress from 1970's. Ito ang suot niya noong 1980 nang sumakay siya ng eroplano kaya hindi pa siya nakakapag-bihis. Namangha ito sa kanyang itsura lalo na sakanyang hair-style. Dahil nanigas ang kanyang bangs na para bang si Imelda Marcos. Usong uso kasi ang ganoong buhok noong kapanahunan nila. "Mga sis look oh? May retro party ba ngayon?" Nagtawanan ang mga ito ng makita siya. Napahawak tuloy siya sa kanyang buhok. Anong masama sa hairstyle ko? Hindi na ba ito uso sa future? "Ale bar po itong napasukan mo. Hindi costume party!" Pang aasar sakanya ng isa pang babaeng mukhang gangster sa kapal ng eyeliner nito. Ale?! Ako ba yung tinawag niyang ale?! "A-Ako mukhang Ale??" Hindi makapaniwalang tanong niya sa mga haliparot na babae. Nagtawanan lalo ang mga ito "Sino pa ba? Mag ba-bar ka ganyan ang suot mo?" Lumapit ang isang babae sakanya "A-Ano namang masama sa suot ko?" Kunot nuong tanong niya habang napapa-atras siya Nagtawanan ang mga ito "Excuse me" Dumaan si Kelvin sa pagitan nila ng mga babae. Sabay sabay silang napalingon dito. Hindi nakaligtas sakanya ang pilyong ngiti sa labi nito. Lalong napakunot ang nuo niya Hindi niya sinabi sakin na mukha akong tanga sa fashion ko. Malay ko bang iba na ang kasuotan sa future? "Ang gwapo talaga ni Kelvin" Bulungan ng mga babae. "Kaso babaero yan eh" Bulong pa ng isa. Habang nag bubulungan ang mga ito sinamantala niya upang makatakas. Sinundan niya si Kelvin kung saan ito pupunta sa loob ng bar. Madaming tao at masakit sa tenga ang malakas na musika. Ibang iba na talaga ang panahon ngayon. Hindi katulad sa panahon niya. Tahimik lang nag iinuman ang mga tao sa loob ng bar o di kaya nagdidisco lamang ng maayos ang mga tao. Napatingin siya sa dance floor halos magwala ang mga babae doon habang sumasayaw ng kakaiba. Napapangiwi siya sa kanyang nakikita. Ang haharot na ba ng mga babae sa panahon na ito? Wala na bang Maria Clara? Sinundan nalang niya si Kelvin kung saan ito pupunta ngunit napahinto siya ng salubungin ito ng isang matangkad at napakagandang babae. Namilog ang kanyang mata ng maghalikan ang mga ito! Pakiramdam niya nakikita niya si Toper na nakikipag halikan sa ibang babae! Kumulo ng husto ang kanyang dugo Lalapitan sana niya ang mga ito ngunit bigla niyang naalala. Hindi nga pala ito si Toper. Hindi niya ito nobyo. Wala siyang karapatan. Napa-atras nalang siya. Nakita niyang napatingin si Kelvin sakanya habang may kahalikan itong babae. Nagsalubong ang kanilang mga mata. Napasimangot ito at agad na pinutol ang pakikipaghalikan. Para bang naramdaman nito ang kanyang lungkot na nararamdaman sa paraan lamang ng pagtititigan nilang dalawa. Agad siyang nag iwas ng tingin kay Kelvin. Baka magalit kasi ito sakanya at baka hindi na siya nito tulungan. Tumalikod nalang siya at naghanap ng mauupuan. Sa di kalayuan nakahanap siya ng isang bakanteng pwesto. Karamihan sa mga tao ay napapatingin sakanya at napapangiti lalo na sa hairstyle niya. "Miss?" Nagulat siya ng may lalakeng bumulong sakanyang tenga "B-Bastos!" Agad siyang napatayo. Tinitigan niya ng masama ang lalakeng naglakas loob lumapit sakanya. "Opps sorry! Hindi ko sinasadyang mabastos ka. Binulungan lang kita dahil hindi mo ako marinig" Sigaw nito dahil malakas ang tugtog ng musika Napalunok siya. "A-Anong kailangan mo?" "I just want to ask, kung isa ka ba sa mga applikante ko? I'm the owner of this bar. Kakaiba kasi ang suot mo kaya nilapitan kita" "I-Ikaw may ari ng bar na to?" He nod "Yeah. Napansin agad kita dahil kakaiba ang suot mo. Mag apply ka ba bilang singer? Do you have a band?" Napalunok siya. Napakabait talaga ng Diyos sakanya. "M-Mag aapply ako!" "Great." Napangiti ito Napansin niyang may itsura ito. Marahil may ibang lahi ito. "I'm Brian by the way.." Nakipag-kamay ito sakanya "Ako si Ana Maria!" Bahagya silang nagsisigawan habang nag-uusap upang magkarinigan silang dalawa. "Doon tayo mag usap sa office ko?" "Sige!" Agad siyang sumama kay Brian. Sa hindi kalayuan nakamasid lamang si Kelvin sakanya. Napakunot ang nuo nito ng makitang sumama siya kay Brian. Napabuntong hininga si Kelvin dahil naiinis ito sakanya. "Pasaway tss.." Tumayo ito upang sundan sila ni Brian. "Kelvin where are you going?" Tanong ng babae kay Kelvin "Just wait for me. May papa-uwiin lang akong lola." "Lola?" Kunot nuong tanong ng babae "Yeah. I'll be back Rica" Hinalikan muna ni Kelvin ang babae bago niya sinundan si Ana Maria. "I'm not Rica asshole!" Sigaw ng babae Napangiwi nalang siya. Nagkamali nanaman siya sa pangalan ng kanyang chix. I'm really not good on names.. He will admit that he's a player. Ibat-ibang mga babae ang kanyang dine-date buwan buwan. Madali kasi siyang magsawa sa mga babae lalo na pag-nagiging clingy na ang mga ito sakanya. He really hates commitments. Ayaw niyang magpatali sa i-isang babae lamang. Para sakanya sayang lang ang pagka-binata niya kung isang babae lang ang makakasama niya. Samantalang, Si Ana Maria naman ay tiwalang tiwala ngayon kay Brian. Nasa loob sila ng private office nito. "So. Miss Ana Maria? Anong kaya mong gawin? Sing? Dance? Extra service?" Tanong ni Brian sa kanya "Kaya kong sumayaw at kumata. Kumakanta din ako noon sa Penguin yung sa malate" "Penguin?" Kunot nuong tanong ni Brian "Oo. Sikat na sikat yung bar na yun. Pero umalis din ako doon dahil nakahanap ako ng trabaho sa Amerika bilang dancer" "Wait wait. Do you mean Penguin bar? 1970's pa yun ha? Hindi pa tayo pinapanganak that time." Nakagat niya ang ibabang labi niya. Nakalimutan niyang nasa future nga pala siya. "A-Ah eh.. Ang ibig kong sabihin ung lola ko kumakanta sa Penguin bar noon. Kaya nasa lahi namin ang magaling sumayaw at kumanta" "I see.." Tabingi lamang ang kanyang ngiti dahil muntik na siyang magmukhang baliw sa paningin ng lalakeng ito. "Kung ganon hindi ka nag-e-extra service?" "Ano yung extra service?" "s*x for money" Namilog ang kanyang mata. Napatayo siya sa kanyang inuupuan. "Jusmiyo! Bastos ka hindi ako ganoong klaseng babae!" Napa-sign of the cross pa siya sa sobrang gulat niya sa sinabi nito "I'm sorry, Relax tinatanong ko lang naman. Hindi ko naman sinabing gawin mo. Ayos lang naman kung hindi atleast alam ko kung anong trabaho ang ibibigay ko sayo" Lalo siyang nang-gigil "Hoy! Kahit anong mangyari hindi ko ipinagbibili ang dignidad ko! Mamuti man ang mata ko sa gutom hinding hindi ko isusuko ang bataan ko para lang sa pera! Ganito na ba sa panahon ngayon?! Wala na kayong respeto sa mga babae?!" Sigaw niya. "Lola, Tara na uuwi na tayo" Sabay silang napalingon ni Brian kay Kelvin. Nakatayo ito sa gilid ng pinto habang nakasandal doon. Mukhang kanina pa sila nito naririnig "Kelvin lola mo?" Biro ni Brian sa kaibigan. Magkakilala ang mga ito at magkaibigan Akala siguro ni Brian nagbibiro lamang si Kelvin ng tawagin siya nitong lola. Napangiti si Kelvin sa biro ni Brian. "Yeah. She's my grandmother." Napakamot sa ulo si Brian "Kelvin i-uwi mo na. Masakit sa ulo kausap yang lola mo maganda sana eh" "Believe me, i knew exactly how you feel bro." Hindi naman lubusan maintindihan ni Ana Maria ang pinag-uusapan ng mga ito. "Tara na lola. Follow me.." Tumalikod na si Kelvin at lumakad palabas ng private room ni Brian Pangiti-ngiti lamang si Brian. "Huwag kang ngumiti ngiti diyan ha. Pasalamat ka hindi ko bitbit ang payong kong matulis. Kung hindi napukpok na kita sa ulo mo!" Tumakbo na siya palabas upang sundan si Kelvin Lalong natawa si Brian at napa-iling nalang ito. He finds her attractive and very interesting girl. Nahirapan si Ana Maria sumunod kay Kelvin dahil madilim ang paligid. Mabuti nalang at matangkad ito kaya nakikita niya kung saan ito lumiko. Nang makalabas sila ng bar nagtaka siya dahil papunta na ito sa parking lot. Uuwi na ba sila? Akala niya 4am pa? "Kelvin uuwi na ba tayo?" "Yeah. Sakay na" Sabay silang sumakay sa kotse nito. "Bakit ang aga? Akala ko ba-" "Bakit ba ang dami mong tanong?" Napalunok siya ng titigan ni Kelvin ang kanyang mukha sa salamin ng kotse nito. Kahit nasa likuran siya naramdaman niya ang koneksyon ng kanilang mga mata "N-Nagtatanong lang eh" Nag-iwas agad siya ng tingin. "I-uuwi muna kita. Baka mapahamak ka pa eh." Nag-umpisa na itong magmaneho. "Babalik ka pa para sa babae mo no?" Hindi ito kumibo "Manang mana ka sa pinagmanahan mo." bulong niya. Doon niya naramdaman ang lungkot. Bigla niyang naalala si Toper. Hindi niya lubos akalain na lolokohin siya nito. Ang masakit pa doon best friend niya pa ang kabit nito. Napansin ni Kelvin na nalungkot siya. Namumula din ang kanyang mga mata "Why?" Tanong nito habang nagmamaneho. "W-Wala" Pinunasan niya ang kanyang luha. Napabuntong hininga si Kelvin. "You know what? I'm starting to believe you. Huwag kang mag-alala tutulungan kita makabalik kung saan ka man nang galing" Bigla siyang napatingin kay Kelvin "Talaga?!" Puno ng pag asa ang kanyang mga mata "Oo na.." Nag iwas ito ng tingin sakanya. Sa tuwing titignan kasi nito ang kanyang mukha bumibilis ng kaunti ang t***k ng puso nito. Hindi nito maiwasan magandahan sakanyang simpleng mukha. "Maraming salamat Kelvin! Malaking tulong sakin ang paniniwala mo sa nangyayari sakin. Pwede bang mag-request?" "Request agad?" Biro nito "Sige na. G-Gusto kong puntahan bukas ang bahay namin. Gusto kong makita ang magulang ko baka sakaling buhay pa sila ngayon." Napatingin ito sakanya. Bahagya itong nakaramdam ng awa para sakanya. "Sige" "Salamat Kelvin!" Ngayon palang excited na siyang makasama ang kanyang mga magulang. Nagdasal siya na sana hindi totoo ang sinabi ng mga immigration officer sakanya. Sana hindi totoong patay na ang mga magulang niya sa panahong ito. She wanted to hug them. Panigurado hinihintay siya ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD