Kelvin POV "Kelvin huwag kang magpa-ulan!" Napatingin si Kelvin kay Ana Maria ng sumigaw ito mula sa loob ng bahay kubo. Lumabas kasi siya ng bahay upang maghanap ng makakain nila. Isang oras na silang nagpapalipas ng oras sa loob ng bahay kubo. Nag baba-kasakaling may taong tutulong sakanila. Narinig niyang kumulo ang tiyan ni Ana Maria kaya naisipan niyang mag hanap ng maa-ari nilang kainin. "I'll get some food!" Sigaw niya "S-Sama ako!" Tumakbo ito palabas ng bahay agad itong naulanan. "No!" Huli na ang kanyang sigaw dahil nakatakbo na ito palapit sakanya. "Sama ako! Huwag mo akong iwanan kay Lizardo! Nakakatakot siya eh nagsasalita habang tulog" "You should have stayed there! nabasa ka tuloy!" Dahil pareho silang basang basa ngayon ng ulan. "Ikaw din naman basang basa na