Chapter 15 "Loida hindi ka dapat pumapayag sa apo ko. Alam mo bang malaking responsibilidad ang ka-palit ng ginagawa niyo? Paano kung mabuntis ka niya?" Napabuntong hininga nalang si Ana Maria habang nakikinig sa mga sermon ni lola Felicia. Nagmamaneho ito habang sinesermonan siya ng walang kapagudan "Ayos lang kung mabuntis niya ako lola edi may apo kana sa tuhod" Biro niya Napa-preno ito nang mabigla ito sa kanyang pag bibiro "Aba! Loida hindi magandang biro yan! Mabuti sana kung matino ang apo ko! Alam mo bang sobrang pasaway ng apo ko? Ilang babae na ba ang ka-muntikan pumikot diyan? Lima? Sampu? Hindi ko na mabilang. Madaming babae na ang gustong pikutin ang apo ko dahil sa pagiging malikot niyan sa babae! Kaya mag isip ka Loida. Kamukha mo pa naman ang best friend ko noon kaya